VP wala sa planong Konstitusyon, hindi na mahalaga kung si Leni o Bongbong ang nanalo
Sa planong pagpapalit ng Konstitusyon, tatanggalin na umano ang puwesto ng bise presidente pero maaari pang tumakbo muli si Pangulong Duterte sa puwesto sa 2022.
“Under the PDP-Laban Constitution, the office of the Vice President will be abolished by 2019 if they succeed in having the new Constitution ratified during the 2019 elections. Vice-President Leni Robredo will be ousted from her office long before her term ends in 2022,” ani Bayan Muna chairman Neri Colmenares.
Kahit na sabihin na papayagan umano si Robredo na manatili sa puwesto hanggang sa 2022, hindi na rin siya ang magiging Pangulo kung mawawala si Duterte.
Ayon umano sa panukalang pagbabago ng PDP-Laban ang Senate President ang papalit kapag namatay ang Pangulo o kung natanggal ito sa puwesto. Kung hindi pwede ang Senate President ang papalit ay ang Speaker ng Federal Assembly.
Kung maaaprubahan ang panukalang Konstitusyon ng PDP, hindi na rin pagtatalunan kung sino kina Robredo o dating Sen. Bongbong Marcos ang nanalo sa pagkabise presidente dahil bubuwagin na ang puwesto.
“The problem is, while PDP Laban wants to lengthen the terms of congressmen from 3 years to 5 years, they are practically cutting the term of the second highest official under the 1987 Constitution. The pending vice-presidential election protest becomes moot as the second highest official under the new Constitution is no longer the Vice-President but the Senate President and House Speaker,” ani Colmenares.
Wala naman umanong probisyon sa panukalang Konstitusyon na hindi na pwedeng tumakbo muli si Duterte. At ang mananalong presidente sa 2022 ay maaaring tumakbo ng dalawang magkasunod na termino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.