BINULABOG ng bomb threat ang Olangapo City Hall kanina umaga.
Sinabi ni City Administrator Mamerto Malabute na nakatanggap siya ng text message ganap na alas-7:56 ng umaga mula sa hindi nakikilalang sender.
“The text message was simple. It said a bomb was placed inside the city hall. There were no other details,” sabi ni Malabute.
Idinagdag ni Malabute na agad niyang inalerto ang pulisya kung saan nagpadala naman ng isang bomb disposal team.
Agad namang inatasan ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino ang lahat ng empleyado ng city hall na lumikas para makapagsagawa ng inspeksyon ang police bomb squad sa gusali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.