Arellano Lady Chiefs sisimulan ang NCAA 93 women’s volley title defense | Bandera

Arellano Lady Chiefs sisimulan ang NCAA 93 women’s volley title defense

Angelito Oredo - January 04, 2018 - 12:03 AM


Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. San Sebastian vs EAC (juniors)
9:30 a.m. San Sebastian vs EAC (men’s)
11 a.m. Opening Ceremony
12 n.n. San Sebastian vs EAC (women’s)
1:30 p.m. Arellano vs Mapua (women’s)
3 p.m. Arellano vs Mapua (men’s)

SISIMULAN ng Arellano University Lady Chiefs ang paghahangad sa ikalawang sunod na titulo sa pagsagupa nito sa mapanganib na Mapua Lady Cardinals sa pagsisimula ngayong tanghali ng salpukan sa NCAA Season 93 women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Una munang magsasagupa sa nakatakdang limang laro sa pagbubukas ng torneo ang juniors division game sa pagitan ng San Sebastian College-Recoletos Staglets at Emilio Aguinaldo College Brigadiers ganap na alas-8 ng umaga bago sundan ng salpukan sa pagitan ng SSC-R Stags at EAC Generals sa men’s division sa alas-9:30 ng umaga.

Isasagawa muna ang tradisyunal na opening ceremony ganap na alas-11 ng umaga bago sundan ng paghaharap ng Season 92 losing finalist na SSC-R Lady Stags, na ipapadala lamang ang siyam na manlalaro, sa pagsagupa nito sa EAC Lady Generals alas-12 ng tanghali.

Agad itong susundan ng nagtatanggol na kampeong Lady Chiefs, na ipaparada ang halos kumpletong lineup na sumungkit sa kampeonato nitong nakaraang taon kontra thrice-to-beat na Lady Stags, sa magpipilit mapaganda ang puwesto ngayong taon na Lady Cardinals ala-1:30 ng hapon.

Pinakahuling magsasagupa sa men’s division ang Arellano Chiefs at Mapua Cardinals sa alas-3 ng hapon.
Pamumunuan muli nina Regine Anne Arocha, Necole Ebuen, Andrea Marzan at Jovielyn Grace Prado ang Lady Chiefs na winalis sa tatlong matira-matibay na laro ang Lady Stags kahit na nagdadalamhati ang coach dahil sa pagkamatay ng asawa upang iuwi ang ikalawang titulo sa torneo.

Pilit naman kalilimutan ng Lady Stags ang masaklap na kabiguan sa dalawang magkasunod na taon kahit na siyam na manlalaro lamang ang ipaparada nito na pinangungunahan nina Alyssa Eroa, Vira May Guillema, Joyce Sta. Rita at Dangie Encarnacion.

Inaasahan ni Lady Stags coach Roger Gorayeb na makakabalik naman si Julie Ann Tiangco na inaasahan nitong aako sa malaking responsibilidad sa koponan subalit nagtamo ng injury sa tuhod.

“Half of my players from last year are gone. Now I just have to make the most out of the remaining players and hope for the best,” sabi ni Gorayeb.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending