12 teams sasabak sa 2020 PBA D-League Aspirants' Cup; Malonzo mangunguna sa 137 draft applicants | Bandera

12 teams sasabak sa 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup; Malonzo mangunguna sa 137 draft applicants

Melvin Sarangay - January 19, 2020 - 05:14 PM

 

 

AABOT sa 12 koponan ang sasabak sa 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup na magbubukas sa Pebrero 13.

Pangungunahan ng NCAA champion Letran Knights at UAAP runner-up University of Santo Tomas Growling Tigers ang 12 koponan na sasalang sa unang kumperensiya ng liga ngayong season na inaasahang magiging mahigpit hanggang sa huli.

Magbabalik ang Knights sa dati nitong pangalan na Wang’s Basketball-Letran habang ang Growling Tigers ay tatawaging UST Builders Warehouse. Ang dalawang koponan ang nakikitang maglalaban sa korona.

Tanging ang Marinerong Pilipino Skippers, na pumangalawa sa Foundation Cup nitong nakaraang season, ang club team sa torneo kung saan ang 11 iba pang koponan ay pawang mga school-based teams.

Sasabak naman ang EcoOil-DLSU at Mapua sa unang pagkakataon sa PBA D-League habang ang mga mainstays na Centro Escolar University Scorpions at AMA Online Education Titans ay magbabalik ngayong season.

Ang iba pang kalahok na koponan ay ang San Sebastian College, Far Eastern University, Diliman College, Technological Institute of the Philippines at Enderun Colleges.

Ang 12 koponan ay magkakaroon naman ng pagkakataong mapalakas pang lalo ang kani-kanilang lineup sa pag-arangkada ng 2020 PBA D-League Draft ngayong Lunes, Enero 20, sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Ang 6-foot-6 Fil-Am forward na si Jamie Malonzo ng La Salle ang inaasahang magiging top pick ng AMA na siyang mamimili ng No. 1 pick sa ikaapat na diretsong taon.

Ang mga nauna nitong top selections ay sina Jeron Teng (2017), Owen Graham (2018) at Joshua Munzon (2019).

Kabilang naman sina Gilas Pilipinas pool member Jaydee Tungcab, mga dating youth stars na sina Jollo Go at Jerie Pingoy at ang mga Cebuano standouts na sina Darrell Menina at Jaybie Mantilla sa inaasahang mapipili agad sa draft.

Ang rookie pool ay kinabibilangan ng 137 aplikante kabilang ang 17 Fil-foreigners.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gayunman, hindi naman magiging madali sa mga bagitong players na mapipili ang magkaroon ng playing time sa koponang kukuha sa kanila dahil ang 11 sa 12 squads na kalahok sa gaganaping Aspirants’ Cup ay mga school-based teams.

Ikalawang pipili ang Foundation Cup runner-up Marinerong Pilipino at susundan ito ng Aspirants’ Cup second placer Centro Escolar University.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending