52-anyos babae nalunod sa 1 timba ng tubig
PATAY ang isang babae na pinaniniwalaang may problema sa pag-iisip matapos malunod sa isang timbang tubig noong bisperas ng Bagong Taon sa Lingayen, Pangasinan, ayon sa ulat ng kapulisan.
Natagpuang patay si Merly Velasco, 52, ng kanyang kapatid na si Bernadine Macaranas, bago maghatinggabi, nang bisitahin niya ang barong-barong kung saan nakatira ang biktima kasama ang nanay nilang may sakit sa Barangay Tonton.
Natagpuan si Velasco na nakalublob ang mukha sa timbang tubig.
Maghahatid sana Macaranas ng pagkain sa kanyang kapamilya para sa noche buena.
Dinala si Velasco sa Lingayen District Hospital, kung saan siya idineklarang dead on arrival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.