Italyanong tatay ni Liza sa 'Dolce Amore' direktor at producer din, type idirek sina Sharon at Robin | Bandera

Italyanong tatay ni Liza sa ‘Dolce Amore’ direktor at producer din, type idirek sina Sharon at Robin

Reggee Bonoan - December 27, 2017 - 12:10 AM


PRODYUSER, direktor at aktor pala ang Italyanong si Ruben Maria Soriquez. Sa mga hindi pa masyadong pamilyar kay Ruben, una siyang nakilala ng mga Pinoy sa seryeng Dolce Amore kung saan gumanap siyang tatay ni Liza Soberano.

Siya rin ang nagsilbing voice coach ni Liza para sa tamang pagbigkas ng salitang Italian na kailangan sa kanyang role sa nasabing serye.

Huli naman siyang napanood sa pelikulang “Unexpectedly Yours” na pinagbidahan nina Robin Padilla at Sharon Cuneta kung saan gumanap siya bilang boss ni Shawie.

Sa loob ng tatlong taon ni direk Ruben sa Pilipinas ay pinag-aralan niya ang takbo ng showbusiness dahil gusto niyang mag-invest dito, mas mura raw kasi ang produksyon dito kumpara sa kanilang bansa.

Nakilala rin si direk Ruben sa pelikulang “Of Sinners And Saints” na siya rin ang director at lead actor, kasama sina Polo Ravales, Richard Quan, Raymond Bagatsing, Channel Latorre at Althea Vega.

Nanalong Best Actor si Ruben sa sa 2015 World Premieres Film Festival-Philippines na ginanap sa SM Mall of Asia Centerstage. At dahil nakatrabaho na niya sina Sharon at Robin sa “Unexpectedly Yours” ay nais din niyang idirek ang dalawang superstar.

Kuwento ni direk Ruben, “Happy ako na makatrabaho si Ms. Sharon, masaya kasi siyang katrabaho, always joking. But when she gets into character, mabilis lang niya nagagawa ang eksena niya. In the movie, I play Ricardo, the boss of Patty (Sharon). Sayang lang kasi wala kami scene together ni Robin.

But I met him at the premiere night and it was a pleasure and we agreed to meet anew and talk about projects.

“I am humbled and honored to be with stars na katulad ng Megastar at indisputable action star na si Robin. Wish ko na maidirek ko sila someday. Iyong magkahiwalay na movie, I mean.

“Dapat nga may meeting kami ni Robin kaya lang ay hindi natuloy dahil sobrang busy ako at sobrang busy din siya. Kapag both of us have time, gusto ko pa rin siya idirek,” aniya.

Bakit type niyang idirek si Binoe? “I like him in the film, ‘Unexpectedly Yours.’ I like his acting. That’s why, gusto ko siyang idirek din someday sa isang movie.”

q q q

Anyway, maraming nakalinyang proyekto sa Pilipinas si direk Ruben tulad ng upcoming movie na “The Lease,” isang paranormal thriller na idinirek ng Italian ding si Paolo Bertola with Garie Concepcion, “The Spiders’ Man”, isang black comedy tungkol sa autism at family ties na ang ilang eksena ay kinunan pa sa Italy.

Kasama ni Direk Ruben dito sina Richard Quan, Jeffrey Tam, Lee O’Brian, Rob Sy, Red Ibasco, at ang misis niyang si Lanie Gumarang.

Kasama ni direk Ruben sina Maurizio Baldini at Lorenzo Galanti bilang founder ng European Philippines International Film Festival (EPIFF) na inendorso ng Italian Chamber of Commerce at ang una ang isa sa Board of Directors.

Ayon kay direk Ruben, “The objective of EPIFF is to promote the best of Philippine cinema in Italy and Europe and to find distribution for those films as well.

“The festival will be a competition among films made by Filipinos or filmmakers abroad with Pinoy blood. We will be looking for films that have international appeal, especially to the European audience.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang nasabing international film festival ay pansamantalang naka- schedule sa Marso 7-9, 2018 na gaganapin sa isang makasaysayang teatro sa Florence, Italy at ang deadline for submission para sa feature-length documentaries at feature-length films ay sa Enero 31, 2018.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending