Bago mag-Pasko, isang mananaya sa Albay ang yumaman ng P29.7 milyon. Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Gov. Locsin st., Barangay 7-Baño, Legaspi, Albay. Ang nanalo ang pumili sa winning number combination na 03-13-11-25-04-18 sa bola noong Disyembre 23. Umabot sa P16.4 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola. Nanalo naman ng tig-P14,970 ang 55 mananaya na nakakuha ng limang numero. Nagkakahalaga naman ng P350 ang 1,832 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 24,684 mananaya na nakatatlong numero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.