Publiko wag munang magsaya na walang babayarang buwis | Bandera

Publiko wag munang magsaya na walang babayarang buwis

Bella Cariaso - December 24, 2017 - 12:10 AM

HINDI muna dapat magsaya ang mga middle class matapos mapirmahan bilang ganap na batas ang TRAIN o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion kung saan wala nang babayarang buwis ang mga kumikita ng P250,000 pababa sa harap naman ng nakaambang pagtaas ng mga bilihin dahil sa napakalaking buwis na ipapataw sa ilang produkto.

Sa ilalim ng TRAIN, hindi na magbabayad ng buwis ang mga empleyadong sumusweldo ng P21,000 kada buwan.

Pero para sa kaalaman ng lahat, matagal nang walang binabayarang buwis ang mga minimum wage earners.

Bukod pa rito, itinaas din ang tax exemption sa 13th month pay at iba pang bonuses sa P90,000 mula sa P82,000.

Sa kabila naman nito, nakaamba naman ang pagtaas ng pamasahe at presyo ng mga bilihin dahil sa buwis na ipapataw sa produktong petrolyo, Liquefied Petroleum Gas(LPG).

Sa ilalim ng TRAIN, papatawan ng P1 ang LPG sa 2018, P2 sa 2019 at P3 sa 2020.

Aabot naman sa P2.50 buwis kada litro ang diesel simula sa 2018, P4.50 sa 2019 at P6 sa 2020.

Papatawan din ng P6 buwis kada litro ang mga inumin na may caloric at non-caloric sweeteners at P12 kada litro ng inumin na may high fructose corn syrup kayat tiyak na tataas ang mga produktong may asukal.

Mahal na ngayon ang presyo ng diesel at LPG kayat inaasahang tataas pa ang mga ito sa pagpasok ng 2018.

Ngayon pa lamang, nagbabala na ang mga transport groups sa pagtaas ng pamasahe.

Siguradong tataas ang transport cost ng mga kalakal kayat ipapatong ng mga nagkakalakal ang dagdag gastos nila sa presyo rin ng mga bilihin.

Mapupunta rin ang matitipid ng mga middle income earners sa pagtaas ng pamasahe at bilihin na baka mas malaki pa kumpara sa matitipid sa babayarang buwis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan natin kung mali ang aking kalkulasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending