Blogger ibinandera ang hugot ni Vice sa lumalalang trapik sa Pinas
MAY open letter ang Pinoy Ako Blog kay Vice Ganda, bida ng “Gandarappiddo: The Revenger Squad” na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival.
PAB posted Vice Ganda’s rants against traffic. “Twing magbabayad ako ng milyun milyong tax napapapikit ako. At tuwing naiipit ako sa trapik napapamura tlaga ko sa sama ng loob. San napunta?”
“Ang dami kong patatawaning tao pero paano ko sila mapupuntahan kung ganito ang sitwasyon ng trapiko? Kahit anong adjust mo wala pa rin!”
“Kung di man sa pagresolba ng trapiko sana lang talaga sa ibang serbisyo mapakinabangan ng mga Pilipino ung tax na ibinayad ko.”
‘Yan ang aria ni Vice which to the PAB is worth publishing and reacting to.
Sa kanyang open letter ay nag-rant si PAB against traffic. How did her readers react?
“Bilib talaga ako sa yo PAB. You’re a well-rounded person. Pati pelikula may mga lines ka. Hahahaha.
PAB paramdam ka naman sa amin kung sino ka. Hahaha. Salamat sa research at mga hugot lines. Fan ni PAB, Liza isang dilawan,” said one fan.
“Sang taon na lalong lumalala problema sa trapiko…galit pa yung heneral sa MMDA nung matanong tungkol sa problemang eto. Ganun na lang ba? Tuwing hahanapan natin sila ng resulta ng mga pangako nila dadaanin na lang sa galit at mura ang sagot?” said another guy.
“I salute you p.o. PAB. LOVE LOVE KO BASA NG MGA LETTER ginagawa mo. Hihihi,” say ng isang fan.
Speaking of Vice Ganda, puno lahat ng malls na puntahan niya to promote his MMFF movie. Talagang siksikan ang mga tao makita lang siya. With that, siguradong kikita talaga ang kanyang movie this Christmas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.