‘Kissing photo’ nina Liza at Enrique lakas maka-good vibes
MARAMI na namang pinakilig sina Liza Soberano at Enrique Gil matapos mag-viral ang “kissing photo” nila sa social media.
No, hindi naman talaga naghahalikan ang dalawa sa nasabing litrato. Actually, mas malalim nga ang meaning ng eksena ng LizQuen sa Instagram photo na yun kaya mas lalong kinilig ang fans.
Makikita sa photo na nakasandal si Liza kay Quen habang nakahilig sa may balikat ng binata.
Huli naman sa akto si Enrique na hinahalikan sa noo ang kanyang rumored girlfriend. Ipinost ito ni @Baby_mcris at nilagyan ng caption na: “Forehead kiss to give his baby girl strength.”
Kuha raw ito sa ng Araneta Coliseum habang ginaganap ang ABS-CBN Christmas Special.
Sandamaknak na likes at comments na ang nakuha ng IG post na ito na karamihan ay nagsabing lakas maka-good vibes ng LizQuen.
Samantala, ngayon pa lang ay atat na atat na ang LizQuen fans sa pagbibidahang fantaserye nina Liza at Enrique na mapapanood na next year sa ABS-CBN.
First time gagawa ng fantasy series ang dalawa kaya naman excited na ang kanilang supporters na mapanood ito. Nais na nilang makita kung anu-ano ang mga bagong pasabog ng magka-loveteam sa 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.