P3.77T 2018 budget at TRAIN pirmado na bilang ganap na mga batas
PORMAL nang pinirmahan ni Pangulong Duterte bilang ganap na batas ang P3.77 bilyong 2018 General Appropriations Act at ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o TRAIN.
“Two laws that I signed today are the fulfillment of my campaign promise to institute genuine fiscal reform that will be felt by every Filipino,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos ang isinagawang seremonya sa Malacanang.
Idinagdag ni Duterte na mahalaga ang implementasyon ng dalawang batas para mapababa ang kahirapan sa 14 porsiyento.
“The 2018 GAA, which is 12 percent higher than last year’s budget, will primarily support infrastructure development and free education in state universities and colleges, universal health care, free irrigation, and the maintenance of peace and order across the country,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na popondohan din ng pinirmahang budget ang dobleng sahod para sa mga sundalo at pulis na magsisimula sa unang araw ng 2018.
“Let me emphasize that this budget is a credible budget and I ensure everyone that this will be supported by the comprehensive tax reform program embodied by the TRAIN, subject to several line vetoes which shall be discussed separately in my veto message,” dagdag ni Duterte.
Ayon kay Duterte, napapanahon din ang pagpasa sa TRAIN.
“This is the administrations biggest Christmas gift to the Filipino people as 99 percent of the taxpayers will benefit from the simpler, fairer, and more efficient tax,” sabi pa ni Duterte.
Ani Duterte libre na sa pagbabayad ng buwis ang mga Pinoy na kumikita ng mababa sa P250,000 kada taon.
“I am directing the Department of Finance to ensure the effective implementation of Package 1 of TRAIN and to immediately submit to Congress Package 2 which deals with corporate income tax early next year, which will complement the revenues of TRAIN,” sabi pa ni Duterte.
Sinabi ni Duterte na ang pagkakapasa sa 2018 budget at TRAIN ay hindi lamang tagumpay para sa gobyerno, kundi maging ng mga mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.