Naghahanap ng girlfriend ngayong Pasko (2) | Bandera

Naghahanap ng girlfriend ngayong Pasko (2)

Joseph Greenfield |December 19,2017
facebook
share this

Naghahanap ng girlfriend ngayong Pasko (2)

Joseph Greenfield - December 19, 2017 - 12:17 AM

Sulat mula kay Carl ng Santa Isabel, Kawit, Cavite
Problema:
1. Malapit na pong mag-Pasko at sa edad ko pong 29 years old na sa ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-girlfriend. Marami naman akong nililigawan pero laging busted. Kaya sa ngayon medyo nalulungkot po ako kasi iyong mga kasabayan ko, iyon iba ay nakapag-asawa na at may mga anak na samantalang ako ni girlfriend ay wala. At sa totoo lang po sa aming magkakabarkada ako lang ang walang girlfriend.
2. Kaya nais ko po sanang malaman ay kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend at kung aabot pa kaya ito sa darating na Pasko? October 25, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Carl ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing isang babaing isinilang sa zodiac sign na Cancer ang magiing girlfriend mo at sobrang magiging masaya ng inyong relasyon.
Numerology:
Ang birth date mong 25 ay nagsasabing ang babaing magiging GF mo ay isinilang sa petsang 2, 11, 20, o kaya’y 29 na medyo chubby o mataba ang pangangatawan, pero masarap yakapin at romansahin.
Luscher Color Test:
Berde ang kulay ng damit na suot mo sa unang araw ng inyong pagtatagpo habang siya naman ay naka-dilaw o kaya’y naka kulay puti. Kapag ganyan ang suot ninyo sa unang araw ng pagde-date ninyo, tulad ng nasabi na, kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay.
Huling payo at paalala:
Carl ayon sa iyong kapalaran, sa edad mong 29 may magaganap na pakikipag-girlfriend sa iyong karanasan. Kung saan, ang magiging first and last girlfriend mo ay isang babaing nagtataglay ng initial na E.E. at ang inyong relasyon bagamat hindi ngayong Pasko mabubuo, ito ay mabubuo sa taong 2018 sa buwan ng Marso habang panahon ng tag-araw. Siya na ang makakatuluyan mo hanggang sa nasabing taon ding 2018, sa buwan ng Nobyembre ay tuluyan na ring magaganap ang inyong pag-aasawa at pagpapakasal, na hahantong sa isang masaya at panghabang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending