LTFRB sa mga taxi driver: Tigilan ang pangongontrata, pagiging isnabero | Bandera

LTFRB sa mga taxi driver: Tigilan ang pangongontrata, pagiging isnabero

- December 18, 2017 - 04:42 PM

SA harap naman Christmas holiday rush, pinaalalahaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga taxi driver na tigilan ang pangongotrata at pamimili ng mga pasahero.
Pinangunahan ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada ang “Oplan Isnabero” noong Linggo ng gabi sa Ninoy Aquino Terminal Airport (NAIA) Terminal 2, kung saan hinuli nila ang dalawang taxi driver, na umano’y nagtangkang mangkontrata.

 

“Ito yung sinasabi namin: Ayusin niyo lang ho yung pagtrabaho niyo. As a taxi driver, use the meter. Wag na kayong mangongontrata, wag na din kayong mang-iisnob,” sabi ni Lizada, sa panayam ng Radyo Inquirer 990AM.

Idinagdag ni Lizada na mahaharap ang mga taxi operator ng multa hanggang P120,000 sakaling mahuli ang mga driver ng kanilang taxi na nangongontrata at namimili ng pasahero.
Muling nanawagan si Lizada sa publiko na agad na iulat sa LTFRB ang mga driver na nanamantala. Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending