Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang Surigao del Norte Linggo ng gabi. Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng mga aftershock sa pagyanig na ito. Naramdaman ang lindol alas-10:32 ng gabi. Ang sentro nito ay 36 kilometro sa silangan ng Burgos. May lalim itong 14 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Nagdulot ito ng Intensity IV paggalaw sa Burgos, Pilar at Dapa sa probinsya ng Surigao del Norte. Intensity III naman sa Dinagat at San Jose sa lalawigan ng Dinagat Islands. At Intensity II sa Surigao City at Socorro sa Surigao del Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.