Kotse, jeep nagsalpukan: Police official patay, 4 sugatan | Bandera

Kotse, jeep nagsalpukan: Police official patay, 4 sugatan

John Roson - December 18, 2017 - 04:06 PM

 Nasawi ang tumatayong hepe ng pulisya sa Antipas, Cotabato, habang apat na miyembro ng isang pamilya ang nasugatan nang magsalpukan ang sinakyan nilang kotse’t military-type jeep sa Kidapawan City, Linggo ng hapon. Isinugod pa sa ospital si Chief Insp. Raymund Sarmogenes, officer-in-charge ng Antipas Police, ngunit di na umabot nang buhay, sabi ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato provincial police. Sugatan ang driver ng jeep na si Joselito Aberde, 51; misis niyang si Maria Evelyn, 48; at mga anak nilang sina Jenny Joy, 26; at Johnrey, 18. Naganap ang insidente dakong alas-4:30, sa bahagi ng Cotabato-Davao Highway na sakop ng Brgy. Amas. Katatapos lang mag-report ni Sarmogenes, residente ng General Santos City, sa provincial police headquarters sa Amas at pabalik na noon sa Antipas, ani Tayong. Sumalpok ang Toyota Avanza (ZJP-509) ni Sarmogenes sa Mitsubishi jeep (LMP-598) na minamaneho ni Aberde patungo sa kabilang direksyon, ani Chief Insp. Ramil Hojilla, officer-in-charge ng Kidapawan City Police. Dinala si Sarmogenes, Aberde, at ang pamilya ng huli sa Cotabato Provincial Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor ang police official, sabi ni Hojilla sa kanyang ulat. Nagtamo ng matinding pinsala ang mga Aberde kaya kinailangang i-confine sa pagamutan, aniya pa. Wala pa isang linggo bago ito, inimbestigahan ni Sarmogenes at kanyang mga tauhan ang isa ring madugong aksidente, na ikinasawi ng dalawang kawal at ikinasugat ng walo pa, sa Antipas noong Dis. 11. (John Roson) – end –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending