NANG bisitahin namin ang mahal naming si Sen. Jinggoy Estrada sa shooting ng kanyang comeback movie na may working title na “Tatay”, isang simpleng artista lang ang peg niya. In fact, lumabas nga ang other side ng senador nang makipagkantiyawan din ito kay Maja Salvador na tinutuksu-tukso namin kay Gerald Anderson.
“Kaya nga sinabi ko na welcome namang dumalaw si Gerald dito,” sey ni Sen. Jinggoy sa leading lady niya sa movie. “Di ba secret natin ‘yun Sen?” ganting-tanong naman ni Maja na todo papuri sa kanyang leading man sa “Tatay”. Iidol na idol pala niya ang actor-politiko lalo na kapag nakikipagdebate sa Senado.
“Naku, ibang-iba siya rito. Aso’t pusa talaga ang role namin at everytime nga na bumabalik sa ulirat ko na magaling siyang senador, bigla talaga akong natatameme!” ang tumatawa pang tsika ni Maja na “nag-no comment” naman sa sinabi ni Sen. Jinggoy na hinihintay pa niya yung moment na makikita at ipapakilala sa kanya ni Maja si Gerald once na dumalaw na ito sa shooting nila.
Personal ngang pinili ng senador si Maja for the role of a “tita” na dalaga pero nagmistulang nanay ng mga pamangkin na iniwan sa kanya ng kanyang pinsan. Sa kuwento, biyudo naman si Jinggoy, anak nito sina Jolo Estrada at Empress. Ito’y idinirek ni Joey Reyes.
Still on Sen. Jinggoy, obvious namang mas pinili niyang makatrabaho ang mga Star Magic talents gaya nga ni Maja, at nina Empress, Dominic Roque at ang anak niyang si Jolo Estrada.
Hindi man siya nagpaintriga sa aming tanong na “biased” siyang matatawag sa mga taga-Kapamilya, valid naman ang rason niyang nasa naturang kumpanya din kasi ang mga anak niyang nag-aartista at nagkataon daw na mas bagay sa karakter ng mga Star Magic talents na nabanggit ang roles ng mga ito.
At dahil under contract nga sa Star Magic si Jolo, hindi rin nahirapan si Sen. Jinggoy na makumbinsi ngang lumabas ito sa movie dahil nakapag-workshop na ito sa ABS-CBN at dahil manager mismo nito ang nanay nitong si mareng Precy na siyang nag-negotiate ng lahat.
“Masaya, magandang experience. Para lang kaming nasa bahay sa mga eksena namin,” sey pa ni Jolo na nagbirong sobrang challenge ang gumanap na anak ni Sen. Jinggoy. “Pero maiikli lang ang mga lines ko rito.
Hindi pa puwede sa mahahaba at matatagal na eksena,” hirit pa ng 19-year old na mas gustong mag-artista at maging TV host kesa sa sundan ang yapak ng ama at lolo sa pulitika.
“Sa ngayon po ha. I can’t tell baka sa future magustuhan ko (ang politics). For now, hahayaan ko muna sa ate ko (Janella na konsehal sa San Juan) ang bagay na iyan,” dagdag pa ni Jolo.
Bale si Jolo ang ikalawang anak ni Sen. Jinggoy na papalaot sa showbiz after Julian Estrada (mas bata kay Jolo ng two years) na hindi nila isinali sa movie dahil mas “focused” ito ngayon sa mga workshops nat makaka-love team nga ni Julia Barretto.
Sa September o October na ang showing ng “Tatay”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.