Donita Nose nagpaalam sa Wowowin para makaraket sa ibang bansa | Bandera

Donita Nose nagpaalam sa Wowowin para makaraket sa ibang bansa

Cristy Fermin - December 16, 2017 - 12:30 AM


ISANG magandang ehemplo para sa maraming personalidad ang masarap na pagtanaw ng komedyanteng si Donita Nose sa tao at programang nagbigay sa kanya ng magandang espasyo para sa kanyang mga pangarap.

Matagal nang stand-up comedian si Donita Nose, pero mas napansin siya ng publiko nang kunin siyang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin, panalung-panalo ang kanilang batuhan ng mga jokes sa game show.

Hanggang sa dumating ang pagkakataong dumami na nang dumami ang kanyang mga raket dito at sa iba-ibang bansa, nagpaalam siya kay Willie na sasamantalahin niya na ang pagkakataon, dahil baka hindi na ‘yun maulit pa uli.

Pinayagan naman siya ni Willie, binasbasan nito ang pagraket abroad, kaya ganu’n na lang ang pasasalamat ng komedyante sa kanyang kuya.

Ngayon ay napapanood na si Donita Nose sa maraming shows ng GMA 7, nagbukas ang pintuan sa kanya ng network dahil kay Willie, abut-abot ang pagpo-post niya ng pasasalamat sa kanyang Kuya Wil na hindi nagdamot sa kanya ng tiwala at suporta.

Marunong tumanaw ng utang na loob si Donita Nose, hindi siya nakalilimot, kaya siguradong mas marami pang biyaya ang darating sa kanyang buhay at career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending