SARAH LAHBATI pikon na pikon na, naglabas ng galit sa TWITTER | Bandera

SARAH LAHBATI pikon na pikon na, naglabas ng galit sa TWITTER

Alex Brosas - June 19, 2013 - 02:35 PM


AYAW tantanan ng mga intregero’t intrigera si Sarah Lahbati sa social networking sites. Nag-post si Sarah ng photo niya recently while playing the piano with his caption: “can someone teach  me how to play the piano.”

Nag-react ang followers niya to the point na sinabing huwag naman niyang lokohin ang mga tao dahil luma na raw ang nasabing photo na ipinost niya.

Kapansin-pansin din na medyo maluwag ang suot niyang damit at parang meron siyang unan sa kanyang lap doon sa photo niya. Ang feeling ng ibang followers ay buntis nga si Sarah.

Pero mas marami ang nagtanggol sa dalaga. Bakit daw masyadong affected ang ibang tao kung true nga na buntis ang aktres, eh, hindi naman daw sila ang gagastos. Masyado raw mapanghusga ang ibang tao kay Sarah.

“Salamat, hindi lang puro mapanghusga ang mga tao. Meron pa palang kagaya mo,” tweet ni Sarah sa isang follower na ipinagtanggol siya.

Seemingly, Sarah took a swipe at her detractors when she tweeted this: “Some people are so bored with their lives that they have nothing else better to do than to talk about yours :).”

Ang feeling namin ay mas marami ang naniniwalang buntis nga si Sarah. Unang-una, kung talagang hindi siya buntis ay ang dali-dali namang sabihin na hindi siya buntis. Ang dami niyang followers sa Twitter na nagtatanong pero mas pinili pa niya ang manahimik. What gives?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending