Sagupaan na: 100 artista nakipag-sanib pwersa kay Coco para sa 'Ang Panday' | Bandera

Sagupaan na: 100 artista nakipag-sanib pwersa kay Coco para sa ‘Ang Panday’

- December 11, 2017 - 12:05 AM

MAHIGIT 100 artista ang makakasama ni Coco Martin sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na “Ang Panday” na mapapanood na ngayong Dec. 25.

Nagsanib-puwersa ang CCM Film Productions, Star Cinema at Viva Films sa kauna-unahang pagkakataon para sa isang pambihirang Pamaskong handog para sa buong pamilya sa pagbabalik-pelikula ni Coco.

Sa kauna-unahan ding pagsabak ni Coco sa pagdidirek, sa ilalim ng tunay niyang pa-ngalan na Rodel Nacianceno, at sa orihinal na istoryang kanya ring nilikha kasama si Joel Mercado, ito ang pagbabalik ng live-action film adaptation ng “Ang Panday” sa big screen – ang pinakamamahal ng lahat na karakter na nilikha nina Carlo J. Caparas at Steve Gan, na siya namang pinasikat ng yumaong Action King na si Fernando Poe Jr..

Para sa 2017 epic na pagbabalik ng iconic Pinoy hero, gagampanan ni Coco ang papel ni Flavio III – ang apo ng orihinal na Panday. Magbabagong bigla ang kanyang buhay nang madiskubre na ang kanyang angkan ay ang itinakdang tagapagligtas ng sangkatauhan sa kasamaan ng imortal na kalaban ni Panday na si Lizardo (Jake Cuenca) na nagbabalik mula sa kadiliman upang muling guluhin at pahirapan ang mundo.

Bilang hindi alam ni Flavio III na tanging ang angkan niya lamang ang makakatalo kay Lizardo, kailangan niyang maglakbay sa iba’t ibang mundo upang makuha ang tiwala ng kapangyarihan ng espada. At gaya ng orihinal at pinakamamahal na bayani ng lahat, maraming makikilala si Flavio III na tutulong sa kanya bilang tunay na tagapagmana ng tinitingalang pangalan ng Ang Panday.

Ang Panday ay di lamang isang iconic na karakter sa Pinoy pop culture ngunit isa din ito sa pinakamamahal na Pinoy comic book heroes of all time sapagkat kinakatawan nito ang ideals ng katotohanan at hustisya at pati na rin ang pagkakawagi ng kabutihan sa kasamaan.

Karapat-dapat banggitin na ito ang kauna-unahang full-length mainstream movie na idinirek ni Coco. Tila pinanday ng panahon ang aktor upang maging isang direktor. Nagsimula ang karera niya bilang isang aktor sa mga indie movies, most notably sa mga pelikula ni Brillante Mendoza.

Nag-cross over siya sa mainstream sapagkat siya ay nag-transition sa telebisyon, kung saan tuloy-tuloy siyang lumabas bilang bida sa mga top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN at pati na rin sa mga pelikula sa ilalim ng isang higanteng film outfit.

Maraming natutunan si Coco na di matatawarang kaalaman at mga karanasan mula sa mga mundo ng indie at komersyal na kanyang pinagsama, at siya niyang ginamit sa “Ang Panday”, na katuparan ng kanyang pangarap na magdirehe ng isang pelikula.

Ang aktibong involvement ni Coco bilang creative consultant sa FPJ’s Ang Probinsyano ay siyang ring nagpanday sa kanyang kakayahan bilang isang storyteller.

Bilang bida ng pelikula, si Coco ang kumakatawan sa lahat ng magagandang bagay na kinakatawan ng Panday, at kitang kita ito sa pagmahahal ng milyun-milyong mga Pilipino sa kanya lalo na nu’ng bingyang buhay niya ang karakter ni Cardo sa long-running at top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na angFPJ’s Ang Probinsyano.

Bilang si Flavio, muli na namang ipaglalaban ni Coco ang kabutihan habang ipinagtatanggol niya ang mga mahihirap at api sa mundo.

Tunghayan kung paano isasabuhay ni Flavio ang kanyang kapalaran. Mula sa isang simpleng lalake na lumaki sa Tondo, si Flavio ay magiging pinaka-tanyag na bayani ng mga Pilipino na siyang magliligtas sa kanyang pamilya at komunidad sa mga kampon ng kasamaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tampok din sa “Ang Panday” sina Lito Lapid, Eddie Garcia, Michael de Mesa, Gloria Romero, Jaclyn Jose, Dimples Romana, Jeric Raval, Jaime Fabregas, Julio Diaz, Mariel de Leon, Awra Briguela, Dennis Padilla, Carmi Martin, Albert Martinez, Agot Isidro, Kylie Verzosa, Mccoy de Leon, Elisse Joson, Jhong Hilario at marami pang iba.

Showing na ito sa mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Dec. 25. Siniguro ng grupo ni Coco na hindi sila mapapahiya kay Da King sa muling pakikipagbakbakan ni Panday sa kampon ng kadiliman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending