True ba, Jennylyn masama pa rin ang loob kay Jericho? | Bandera

True ba, Jennylyn masama pa rin ang loob kay Jericho?

|December 05,2017
facebook
share this

True ba, Jennylyn masama pa rin ang loob kay Jericho?

- December 05, 2017 - 12:10 AM

JENNYLYN MERCADO AT JERICHO ROSALES

NAPANINDIGAN nina Jennylyn Mercardo at Dennis Trillo ang pagiging “maramot” pagdating sa kanilang lovelife.

Kahit anong pilit ng entertainment media sa magdyowa na magdetalye about their relationship ay iwas na iwas pa rin ang dalawa.

Ang palagi nilang sinasabi ay ine-enjoy lang nila kung anumang meron sila ngayon. “Wala pa, matagal pa ‘yun!” ang hirit ni Jennylyn.

Sa nakaraang presscon ng MMFF 2017 entry ni Jen na “All Of You” opposite Derek Ramsay, sinabi niyang wala pa sila ni Dennis sa level kung saan seryoso na nilang napag-uusapan ang kasal.

“Feeling ko hindi pa ako okay. Marami pa akong gustong ma-accomplish as an artist. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko as single parent. Maliit pa rin ‘yung anak ko, kailangan pa niya ako,” paliwanag ng Kapuso Ultimate Star.

Sa pelikulang “All Of You” ng Quantum Films, tatalakayin ang kuwento ng dalawang taong nagkakilala, nag-live in at nag-away dahil sa iba’t ibang isyu ng pakikipagrelasyon.

Ayon kay Jen, kahit paano ay nakaka-relate siya sa karakter niya sa pelikula, pero ang pakikipag-live in kay Dennis ay mukhang hindi niya feel.

Sa tanong kung nakikita ba niya na si Dennis na talaga ang mapapangasawa niya, “Wala pa, wala pa. Sasabihin ko sa inyo kapag ano, kapag meron na.”

Anyway, speaking of All Of You, nilinaw ni Jennylyn na wala silang isyu ni Jericho Rosales na unang choice bilang leading man niya sa movie pero nag-back out ito matapos pumanaw ang kanyang ama. Nag-sorry ang aktor kaay Jennylyn at sa direktor ng “AOY” na si Dan Villegas.

Ngunit matapos tanggihan ang nasabing proyekto, tinanggap naman ni Echo ang pelikulang “Siargao” kasama si Erich Gonzales na napili rin bilang entry sa 2017 MMFF.

Reaksyon naman ni Jen, “Naiintindihan ko naman yung mga ganu’ng bagay. Valid naman yung reason niya kaya wala namang problema.”

Unang nagsama sina Jennylyn at Jericho sa pelikulang “Walang Forever” na naging entry din sa 2015 MMFF.

Samantala, ayon naman kay Derek Ramsay, tiyak na maraming makaka-relate na Pinoy couples sa kanilang pelikula. Marami ring issues na ipakikita ang “AOY” sa pagitan ng magka-live in. “Mas nagfo-focus yung story doon sa kapag mabilis ang relationship, ano ang effects niya? Kapag nag-live in na kayo, ano iyong effects niya? Tungkol siya sa commitment.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa presscon din ng nasabing movie inamin ni Derek na halos isang taon na silang magka-live in ng kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending