Sa pag-aasawa susuwertehin | Bandera

Sa pag-aasawa susuwertehin

Joseph Greenfield - December 04, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Alvin Catmon, Santa Maria, Bulacan
Dear Sir Greenfield,
May girlfriend ako sa ngayon pero wala akong trabaho, kaya kahit gustuhin kong mag-asawa hindi ko magawa. Isa pa natatakot akong matulad sa mga kapatid ko na matapos mag-asawa at magkaroon ng mga anak, naghihirap ang buhay. Hindi mapag-aral ang mga anak at baon sa utang. Naaawa ako sa mga pamilyang may nagugutom na mga anak, kaya ayaw ko pang mag-asawa hanggang wala pa akong stable job. Kaya nais ko malaman kung kailan ako magkakaroon ng stable job at ng makapag-asawa na. Four years na po kasi kami ng girlfriend ko at inaaya nya na akong magsama kami kasi may trabaho naman siya. Ayaw ko lang pumayag, kasi nga ayokong namang umasa na lang ng umasa sa kanya, tapos aasawa ko sa kanya o ako ang padre de pamilya. May 5, 1989 ang birthday ko at December 23, 1990 naman ang birthday ng girlfriend ko.
Umaasa,
Alvin ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May sumabay na Guhit ng Babae sa iyong Fate Line kaya ang nasabing Fate Line ay ganap na luminaw at kumapal (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin sa tulong ng iyong girlfriend o ng babaing mapapa-ngasawa kahit ayaw mo, mas madali kayong uunlad at magiging maligaya kapag tuluyan na kayong naging mag-asawa.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, King of Hearts at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing hindi sa pagiging binata uunlad, kundi tulad ng nasabi na sa pag-aasawa. Kaya nga sa sandaling nakasal na kayo ng girlfriend mo, mabilis ang magaganap – agad na bubulas at kusa ng lalago ang inyong kabuhayan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending