Taga-Cebu wagi ng P29.7M jackpot | Bandera

Taga-Cebu wagi ng P29.7M jackpot

Leifbilly Begas |December 03,2017
facebook
share this

Taga-Cebu wagi ng P29.7M jackpot

Leifbilly Begas - December 03, 2017 - 05:21 PM

  Isang mananaya sa Cebu ang nanalo ng P29.7 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Sabado ng gabi.     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Ground Floor ng Gaisano Capital Mall, sa F. Ralota St., Danao City, Cebu.     Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 37-35-45-11-24-22.     Mayroon siyang isang taon para makuha ang kanyang premyo sa main officeng PCSO sa Mandaluyong City.     Nanalo naman ng tug-P81,680 ang siyam na mananaya na nakalimang numero.     Tig-P1,570 naman ang 373 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 8,609 mananaya na nakatatlong numero.     Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending