Kabit na yayayaman | Bandera

Kabit na yayayaman

Joseph Greenfield - November 30, 2017 - 03:22 PM

Sulat mula kay Imel ng Bagumbayan, Pilar, Bataan
Dear Sir Greenfield,
Sa kasalukuyan ay may kinakasama akong lalaki na pamilyado at may asawa na. Ganon paman, regular din siyang umuuwi sa amin kaya kung tutuusin para na rin kaming mag-asawa at may isang anak na kami. Kaya lang minsan ay inaalala ko ang aking kalagayan kung habang buhay na ba akong ganito patago-tago at palipat-lipat kami ng apartment upang huwag daw makahalata ang asawa nya. Talaga kayang mahal ako ng lalaking ito at kapag daw siya nakipaghiwalay na sa legal niyang asawa magsasmaa na daw kami, at malaya na daw kaming magiging mag-asawa pero ang inaaala ko ay kailan pa kaya mangyayari iyon? Kung makikipaghiwalay ako sa lalaking ito may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa ng binata at makaranas na maikasal at magandang buhay? November 14, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Imel ng Bataan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May bilog sa unahang bahagi ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, tumuwid at naayos naman ito. Ibig sabihin hindi pangkaraniwan ang magiging karanasan mo sa pag-ibig at pag-aasawa at ang hindi pangkaraniwang ito ay ang kasalukuyan nang nagaganap, may tendency na maging kabit ka o kerida habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Queen of Diamonds, at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dahil mapera ang lalaking kinakasama mo at mapera din ang kanyang legal na asawa, hindi sila magkaka-hiwalay, pero magiging sagana ka naman at sustentado sa materyal na mga bahgay. Kaya ang dapat mong gawin ngayon mag-ipon ka ng mag-ipon hanggang sa makapag-savings ka ng puhunan, at kung sakaling magkakahiwalay kayo, maraming-marami ka ng pera at puwede ka ng magsimula ng sarili mong negosyo.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending