‘Kambal Karibal’ ng BiGuel tinutukan ng mga Kapuso
HINDI pinalagpas ng Kapuso viewers ang pagsisimula ng pinakabagong primetime series ng GMA, ang Kambal, Karibal starring Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Maraming manonood ang humanga dahil first episode pa lang ay marami nang pasabog na eksena.
Unang nabighani ang mga Kapuso viewers sa mga eksena ng veteran stars na sina Carmina Villaroel at Alfred Vargas na gumaganap bilang sina Geraldine at Allan.
Marami naman ang agad nasuklam sa pagpapakita ng kasalbahihan ng karakter ni Marvin Agustin na si Dr. Raymond, na nagbabalak ng masama para muling makuha ang ex-girlfriend niyang si Geraldine.
Idagdag mo pa ang pakikipag-flirt ni Nida (Katrina Halili) na talagang nakakapanggigil.
Inaasahang sa mga susunod na episode ay lalabas na rin ang karakter nina Miguel at Bianca bilang sina Diego at Crisanta kaya siguradong kilig overload na naman ang mga BiGuel fanatics.
Kasama rin sa cast ng Kambal Karibal sina Christopher de Leon, Gloria Romero, Jean Garcia, Gardo Versoza, Jeric Gonzales, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza at marami pang iba. Ito’y sa direksyon ni Don Michael Perez.
Napapanood ang Kambal Karibal sa GMA Telebabad pagkatapos ng Super Ma’am.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.