Maria Isabel Lopez tinanggalan ng lisensiya matapos ang ginawa noong Asean summit
TINANGGALAN ng lisensiya ng Land Transportation Office (LTO) ang aktres na si Maria Isabel Lopez matapos ang hindi otorisadong paggamit ng lane na inilaan para sa mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) ngayong unang linggo ng buwan.
Bawal na ring mag-aplay at makakuha muli si Lopez ng lisensiya sa susunod na dalawang taon, ayon kay MMDA assistant general manager for planning Jojo Garcia.
Inirekomenda ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa LTO na tanggalan ng lisensiya si Lopez matapos gamitin ang Asean lane gabi ng Nobyembre 11 para makaalis sa trapik matapos isara ang dalawang lane na inilaan para sa mga delegado ng summit.
Pinagmumulta rin si Lopez ng kabuuang P8,000, kasama na ang P5,000 para sa paglabag sa anti-distracted driving law at P3,000 para sa kanyang reckless driving at disregarding of traffic signs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.