DU30 itinalaga si Comelec Commissioner Abbas bilang bagong poll chief
ITINALAGA ni Pangulong Duterte si Commission on Elections Commissioner Sheriff Manimbayan Abbas bilang bagong Chairman ng Comelec kapalit ng nagbitiw na dating poll chief na si Andres Bautista.
Pinirmahan ni Duterte ang appointment ni Abbas noong Nobyembre 22 kung saan tatagal ang kanyang termino hanggang Pebrero 2, 2022.
Itinalaga si Abbas bilang Commissioner ng Comelec noong 2015. Siya ay pamangkin ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief peace negotiator Mohagher Iqbal.
Si Abbas ang pinakabatang Comelec Chairman sa edad na 38. Siya ay nagtapos sa Ateneo de Davao University.
Matatandaang nagbitiw si Bautista matapos ang kontrobersiyang ipinukol sa kanya ng kanyang dating asawa kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth.
Sa kabila ng kanyang pagbibitiw, itinuloy pa rin ng Kamara ang impeachment laban sa kanya na lumusot sa Mababang Kapulungan, bagamat hindi na inakyat sa Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.