Trak ng tubo sumalpok sa road barrier: 5 patay, 5 sugatan | Bandera

Trak ng tubo sumalpok sa road barrier: 5 patay, 5 sugatan

John Roson - November 23, 2017 - 04:41 PM
Lima katao ang nasawi at di bababa sa lima pa ang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang trak ng tubo (sugar cane) sa road barrier sa Aleosan, North Cotabato, Miyerkules ng hapon. Dead on the spot ang driver na si Anwar Ampatuan, 35; pasaherong si Jeorge Demalanes, 60; at isang di pa kilalang tao, sabi ni Supt. Bernard Tayong, tagpagsalita ng North Cotabato provincial police. Dinala pa ang pasahero ding si Anliwa Fredo at isang di kilalang tao sa Aleosan District Hospital, ngunit kapwa sila di na umabot nang buhay, ani Tayong. Sa parehong pagamutan din dinala ang mga pasaherong sina Dagno Crisanto, Lagno Mobindo, Reynaldo Romeo Tungcar, Abdulah Abduraman, at Matandes Jenie para malunasan. Naganap ang insidente dakong alas-5:20, habang minamaneho ni Ampatuan ang Isuzu Forward truck sa Brgy. New Leon. Bumibiyahe ang trak mula Brgy. New Panay patungong bayan ng Carmen, nang ma-overshoot nito ang kalsada at sumalpok sa steel barrier, sabi ni Senior Insp. Edwin Abantes, hepe ng Aleosan Police, sa kanyang ulat. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na mabilis ang takbo ng trak nang maganap ang insidente. Totally wrecked ang trak dahil sa lakas ng impact, sabi pa ni Abantes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending