Mocha Uson, Harry Roque kabilang sa senatorial slate ng PDP-Laban | Bandera

Mocha Uson, Harry Roque kabilang sa senatorial slate ng PDP-Laban

- November 17, 2017 - 05:49 PM

MOCHA USON

INIHAYAG ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagkakasama nina Communications Assistant Secretary for social media Mocha Uson at Presidential Spokesperson Harry Roque sa listahan ng mga tatakbo sa pagka senador sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa 2019.
Inihayag ni Alvarez ang mga pasok sa senatorial lineup ng PDP-Laban matapos ang isinagawang mass oath taking ng mga bagong miyembro.
Bukod kina Uson at Roque, kasama rin sa listahan sina Davao City Rep. Karlo Nograles, Bataan Rep. Geraldine Roman, Negros Occidental Albee Benitez, at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman at ngayon ay Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino.
Itinalaga ni Pangulong Duterte si Uson matapos namang tumulong sa kanyang kampanya sa nakaraang eleksiyon noong 2016.
Samantala, kinumpirma ni Roque na nanumpa na siya bilang miyembro ng PDP-Laban kahapon ng umaga.
“Yes I did,” sabi ni Roque sa text.
Inamin naman ni Roque na wala siyang pera para pondohan ang kanyang kandidatura sa pagka senador.
“(I) don’t have P500 million needed to run,” ayon pa kay Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending