Swerte ang Kia rookies | Bandera

Swerte ang Kia rookies

Barry Pascua - November 11, 2017 - 12:07 AM

NAPAKASWERTE naman ng mga baguhang napili ng Kia Picanto sa 2017 PBA Rookie Draft na ginanap kamakailan at tila mapapapirma silang lahat!

Ito ay sa kabila ng katotohanang sa third round nagsimulang mamili ang Kia. Bale 24 manlalaro na ang nakuha ng 11 iba pang koponan. Ibig sabihin ay napagpilian na ang mga ito. Sa salitang kanto ay latak na lang.

E ang mga baguhang napili nang mas maaga sa kanila ay malamang na mahihirapan pang basagin ang lineups ng mga koponang sumungkit sa kanila at hindi basta-basta makakapirma.

Kung sabagay, hindi naman lahat ng napili sa third round pababa ay walang kwentang manlalaro. May karapatan din naman silang maging bahagi ng PBA at baka nga pwedeng magtagal kung kakikitaan sila ng abilidad.

Maraming mga players na nakuha bilang last pick ng draft na nagtagal sa liga.

Isa rito si Porfirio Marzan, Jr. na nakapaglaro sa Barangay Ginebra sa ilalim ni coach Sonny Jaworski bago nalipat sa Shell.

Ang laki ng pakinabang sa kanya hindi lang bilang defensive player kasi puwede ring umopensa.

Kinuha ng Kia sa third round (first pick) si Christian De Chavez at pagkatapos ay dinampot sa fourth round si Arvie Bringas. Bilang ikalawa sa huling napili sa Draft ay sinungkit pa ng Kia si Christian Geronimo.

Ayon sa ilang sources ay malamang na mapapapirma sila ng Kia dahil sa maraming nabakanteng puwesto.

Ito ay matapos nilang ilaglag ang mga tulad nina Nico Salva at 6-foot-7 Jason Ballesteros na nakalipat ng ibang koponan.

Si Salva ay kinuha ng Governors’ Cup second placer Meralco Bolts samantalang si Ballesteros ay kinuha ng GlobalPort. Siyempre mahalaga si Ballesteros. Hindi ka naman basta-basta makakasungkit ng 6-foot-7 na manlalaro. At kailangan mo ng matangkad upang itapat sa tulad nina June Mar Fajardo at Greg Slaughter.

Tuloy hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagkakamot ng ulo kung bakit ipinamigay ng Kia ang 6-foot-7 Fil-German na si Christian Standhardinger? ‘Yun pala ay kukuha sila ng dalawang iba pang manlalarong ang pangalan ay Christian din. Mas mahusay ba ang mga Christian na napili nila kaysa kay Standhardinger?

Pero wala na tayong magagawa at nandiyan na iyan, e.

Ang tanong ay kung nagpalakas ba ang Kia o ano?

May ambisyon ba ang Kia na maging palaban din? O okay na sa koponang ito na ilampaso sila ng 11 iba pang koponan?

Oo at baka makatsamba sila paminsan-minsan. Pero para maging isang puwersa sa PBA, para hangaan ng mga fans, sapat na ba ang tsamba?

Biruin mong nasa ikaapat na taon na sila bilang miyembro ng PBA pero baka sa kangkungan pa rin sila pulutin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakatulong ba iyon sa pag-promote ng kanilang produkto?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending