Kampo ni Xander Ford gumagamit na raw ng padrino para makapasok uli sa ABS-CBN | Bandera

Kampo ni Xander Ford gumagamit na raw ng padrino para makapasok uli sa ABS-CBN

Ronnie Carrasco III - November 09, 2017 - 12:05 AM


NAULINIGAN lang namin ito: pinapadrino raw ng kampo ni Xander Ford si Bernard Cloma para ganap na maging artista ng ABS-CBN.

Bernard Cloma’s name doesn’t sound Greek in showbiz circles as he’s probably the most traveled, friendliest and most ubiquitous non-showbiz figure na nakakabungguang-siko ang mga who’s who sa iba’t ibang larangan.

With a figure na may kalusugan, Bernard consciously throws his weight around socials with prominent celebs in attendance. Always seen lugging with a branded (?) handbag, kadalasa’y magugulat ka na lang, sa dinami-dami ng puwede mong makasalubong sa ibang bansa ay si Bernard ang pahara-hara sa iyong daraanan.

Kulang na lang sabihin that Bernard’s persona is a thousand-fold, you see him everywhere at any given time—or all at the same time—without you wishing it.

Dinig nami’y nagpapasaklolo ang kampo ng retokadong baguhan sa kanya. Pinanghahawakan daw kasi ng mga career handlers ni Xander ang binitiwang pangako ni Bernard na kayang-kaya niyang ipasok ang newbie sa bakuran ng Dos, short of saying Bernard boasts of his connections with the high and mighty.

Kung totoo man ito, kinulang yata ng malalim na pananaliksik ang mga namamahala sa karera ni Xander. Ewan kung na-hoodwink or na-sweettalk sila ni Bernard whose verbal stance is tantamount to promising a rose garden.

Mahusay naman kasi ang mga boladas ni Bernard, tila inborn na ang kanyang galing sa pagsasalita similarly embodied in a sales pitch ng isang ahente ng kung anong consumer product.

Literal na “promising” dahil puro pangako lang ‘yon. Mas marami ang kuda kesa sa gawa.

Okey lang sana if Bernard is any of the following: 1.) showbiz reporter; b.) talent manager; c.) talent coordinator; d.) nagpi-PR; e.) any industry worker. Kaso, NOTA as in none of the above.

Kunsabagay, “NOTA” rin naman ang inihihingi ng tulong kay Bernard Cloma. No Talent kaya No Takers din.

q q q

Pardon our social media ignorance. Tanging sa Facebook lang kami nagsu-subscribe na kalimita’y kinatatamaran pa namin.

This explains kung bakit hindi kami mismo—kundi ang aming kapatid na si Menchu—ang nakatisod ng post ng isang basher in the wake of a recent controversy in which we got embroiled.

Choosing not to go into specifics, may basher na nagmungkahing ipa-“riding in tandem” na lang daw ang inyong lingkod.

It’s public knowledge that these riding in tandems prey on persons involved in drugs.

Para sa kasiyahan ng hinayupak na basher na ‘yon, yes, “ADIK” kami sa aming trabaho na pinaghuhusayan naming gawin sa loob ng maraming taon.

Oo, “USER” kami, pero utak ang aming ginagamit. At oo, “PUSHER” kami, ipinu-push namin ang aming paniniwala at pagtalima sa responsableng pamamahayag which defines our work.

Riding in tandem, ‘ika n’yo? Sa mga nagbabalak, we suggest they call themselves HIDING IN TANDEM.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magtago na lang kayo dahil between me and them, mas may pakinabang ang lipunan sa amin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending