Xander Ford ipinagyabang ang naipong pera: Sige lang po, bash lang nang bash!
WHILE counting his money while on Facebook Live, Xander Ford drew mixed reactions.
“Dahil po sa inyo, I have all these things. Dahil po sa inyo ay nagsa-success na po ako. Dahil po sa inyo, hindi po ako nagyayabang, pinapakita ko lang sa inyo na dahil sa inyo meron po akong ganito.
Sana po ay i-bash n’yo pa rin ako nang i-bash kasi po para matulungan ko ang mama ko, ‘yung mga kapatid ko, ‘yung mga taong gustong magpatulong sa akin. I want to help someone. Actually, guys ito lahat pinaghirapan ko ito,” sabi niya habang nagbibilang ng pera.
Then he started counting his money which amounted to P75,000.
With that, marami ang nag-react.
“Ingatan mo lang kita mo, kasi maraming naging artista na bumagsak. At sympre maging humble ka lang para tuloy ang blessings. Wag lang gumaya sa iba at mag bisyo kasi isang pitik lang yan kahit ilang milyon pa maging pera natin. Mawawala at mawawala yan.”
“Pinapakita nya talaga yan para sa mga basher na habang binabash sya kumikita sya kaya kayo mga basher imbes na mang bash kayo maghanap buhay nalang kayo.”
“Baka naman natutuwa lang sya dahil marami na syang pera ngayon pero Xander di mo dapat pinapakita kung anumang yaman meron ka dahil baka ikapahamak mo pa yan pati na ng iyong mahal sa buhay. Mainit sa mata ang pera ikaw ren kawawa ka naman pag nawala mga pinagpaguran mo.”
“Parang yung kwento ng pagong at matsing, noong susunugin yung pagong ng matsing, sabi ng pagong gusto nya raw yun dahil gaganda daw ang kulay nya, pero nong ihahagis sya ng matsing sa ilog e nagmakaawa sya dahil malulunod daw sya! Hahaha!
“Kaya da more na binabash c Xander e lalong sumisikat, yan ang karakter nya sa trabaho nya, dto din sa Japan iba2 ang karakter nla pra lng SUMIKAT…Kya sa mga basher ni Xander hind nyo ba alam na ngpapasalamat pa sa inyo yan! Dahil Kung Wla kyo hind sya SISIKAT.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.