Mga mahihirap na pusher lang ang napapatay sa war on drugs-SWS | Bandera

Mga mahihirap na pusher lang ang napapatay sa war on drugs-SWS

Leifbilly Begas - October 29, 2017 - 06:06 PM

  Nakararaming Filipino ang naniniwala na mahihirap lamang ang napapatay sa war on drugs ng gobyerno, ayon sa survey ng Social Weather Stations. (SWS).     Tinanong ang mga respondents kung sila ay naniniwala na: Hindi pinapatay ang mga mayayamang na drug pusher, ang pinapatay ay ang mahihirap lamang.     Ayon sa survey, 54 porsyento (31 porsyento na lubos na sumasang-ayon at 23 medyo sumasang-ayon) ang naniniwala na mahihirap lamang ang napapatay sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.     Mas mababa ito sa 60 porsyento na naitala sa survey noong Hunyo (33 porsyentong lubos na sumasang-ayon at 27 porsyentong medyo).     Ang mga hindi naman naniniwala na mahihirap lang ay 25 porsyento (13 na lubos na hindi sumasang-ayon at 12 porsyento na medyo sumasang-ayon). Ang undecided ay 21 porsyento.     Pinakamarami ang naniniwala na mahihirap lang ang pinapatay sa National Capital Region (41 porsyento na lubos na sumasang-ayon at 28 porsyento na medyo), na sinundan ng iba pang bahagi ng Luzon (32 lubos at 26 medyo).     Sumunod naman ang Visayas na may 37 porsyentong lubos at 19 porsyentong medyo at Mindanao 17 porsyentong lubos at 18 porsyentong medyo.       Ang survey ay ginawa mula Setyembre 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending