Baha sa MM may solusyon nga ba? | Bandera

Baha sa MM may solusyon nga ba?

Jake Maderazo - June 17, 2013 - 12:48 PM

TATLONG oras na ulan sa lakas na 11mm per hour ay nagbaha na at nagkawindang-windang ang mga lansangan sa Metro Manila noong Huwebes ng hapon.

Ang tubig ulan na nanggaling sa Quezon City ay nagdulot ng baha sa Espana, Sampaloc hanggang Ermita, Malate , Sta Cruz at Port Area. Ang UST, Aquatic University na raw ang tawag dahil palaging lubog sa baha. Ang tubig na galing naman sa Marikina river at Laguna de bay ang nagpabaha sa maraming lugar sa Makati, Pasay at Paranaque.

Walang bagyo kundi hanging habagat lang daw ang sanhi nito, sabi ng Pagasa. Sinisisi ng MMDA ang mga basura kasama na ang nagtatapong publiko at mga informal settlers sa nangyari. Pero, ang tanong ko naman, ano na ang nangyari sa mga dredging projects ng MMDA bago ang tag-ulan?

Noong Lunes, sinabi ni Chairman Francis Tolentino na patuloy sila sa declogging ng mga esteros bilang bahagi ng disaster preparedness. Pero isang iglap lang, nabaon din sa baha pati na ang milyun-milyong pisong pondo ng gobyerno sa mga dredging at declogging projects na ito.

Totoo ngang may pera sa baha. Hindi niyo alam marahil na pagdating sa mga flood control projects sa Metro Manila, ang lead agency rito ay ang MMDA at pangalawa lang ang DPWH. Ngayon, sabi ni Tolentino, hindi na raw maiiwasan ang mga pagbaha. Ang tagal na ng “Ondou”, ang tagal nyo na rin sa pwesto pero wala Dalawang taon na ang Ondoy, ano ba iyan? Tagal niyo na sa pwesto, wala pa ring nangyayari.
vvv

Mabuti pa itong DPWH maliwanag ang plano sa flood control at mitigation sa Metro Manila. May mangyari rin naman kaya rito? Huwag lang makikialam ang MMDA, naniniwala ako rito sa project ni DPWH sec. Rogelio Singson.
Para hindi tumuloy ng Maynila ang tubig ulan at baha sa QC na umaapaw diyan sa Araneta papuntang Sampaloc, gagawa ang DPWH ng malaking flood culvert sa Blumentritt, isang malaking kanal sa ilalim ng lupa upang dalhin ang tubig sa EStero Sunog Apog sa Tondo palabas ng Manila Bay.
Kapag high tide, magtratrabaho ang mga pumping stations para ilabas ang tubig sa dagat.
Dito naman sa Tubig ulan na galing Marikina River at Laguna de Bay, magtatayo sila ng dam na unang sasalo sa buhos ng tubig mula sa bundok ng Montalban at Sierra Madre at unti unting pakakawalan pababa para maiwasan ang nangyari noon sa bagyong Ondoy. Isang flood retarding dam na pipigil sa biglaang pagtaas ng tubig sa Marikina River.
At siyempre, sa lahat ng proyektro, dapat matiyak na umaandar lahat at may gasolina ang mga pumping stations sa buong Metro Manila at Laguna de Bay.
Pinakamabigat sa plano ang pagpapaalis sa higit 20,000 informal settlers sa mga delikadong daluyang tubig bago sumapit ang Hulyo.
Meron nang P 10-B pesos na pondo at ang bawat lungsod at bayan ay meron nang paglilipatan malapit lamang sa kanilang dating lugar. Hindi raw hihintayin ni Singson ang mga bagong alkalde sa pagpapatupad ng relocation na ito, lalot tag-ulan na ngayon.
Pero ang lead agency dito ay ang DILG o si Mar Roxas. Ang tanong, Meron bang political will itong si Roxas at Metro Manila mayors para mapalayas ang mga squatters sa mga binabahang daluyang tubig? Palagay ko, WALA!!

Si Jake Maderazo ay araw-araw na napapakinggan sa programang BANNER STORY sa RADYO INQUIRER 990AM, mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga kasama ang isa ring kolumnista ng Bandera na si Arlyn de la Cruz. Para sa komento, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending