Female celebrity walang hiya-hiyang umihi sa loob ng van | Bandera

Female celebrity walang hiya-hiyang umihi sa loob ng van

Cristy Fermin - October 25, 2017 - 12:15 AM

MARAMING nanghihinayang sa isang female personality na nakilala ng publiko dahil sa isang emosyonal na patalastas. May kurot sa puso ang kuwento, Pinoy na Pinoy ang atake, naging daan ‘yun para maging artista ang babaeng personalidad.

Nagmarka agad sa publiko ang female personality, maraming nagkagusto sa kanya, lalo na’t hindi lang naman pala sa pag-eemowt siya magaling kundi mahusay rin siyang magpatawa.

Pero habang tumatagal ay lumulutang ang kanyang kalokahan, maraming kagagahan ang female personality, may sarili siyang mundo.

Kuwento ng isang source, “Malayo ang location ng taping nila nu’n, kaya sa isang van na lang sila isinakay ng production para pagdating sa set, wala nang hintay-hintayan pa.

“Pumuwesto siya sa pinakadulong upuan, tatlo silang magkakatabi. Nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan pero hindi niya pinahinto ang van para maka-jingle siya sa madadaanan nilang gasolinahan.

“Ang ginawa niya, e, umihi siya sa plastic na dala-dala niya sa backpack niya. Wagas na wagas siyang umihi, saka niya binuksan ang bintana ng van, sabay hagis ng plastic na pinag-ihian niya.

“Natural, umaandar ang sasakyan kaya ang pagkahagis niya, e, padaskul-daskol. Medyo lumihis ang paghahagis niya, bumalandra sa salamin, kaya parang naambunan ang mga nakaupo sa harapan niya!

“Galit na galit siyempre sa kanya ang mga co-stars niya, kahit ambon lang ang jingle na bumagsak sa braso nila, e, ihi pa rin ‘yun! Sorry siya nang sorry sa kalokahan niya, inis na inis sa kanya ang mga katrabaho niyang artista!” kuwento ng aming impormante.

Hindi na gaanong aktibo ngayon ang babaeng personalidad, iba na ang pinagkakaabalahan niya, sumali naman siya ngayon sa isang banda at rocker na raw siya.

Pahabol pa ng aming source, “Sayang ang babaeng ‘yun, talented pa naman siya, pero lukring ang hitad, may sarili siyang mundo!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Ching Bautista Silverio at Jon, kilalang-kilala n’yo kung sino ang girl na ito. Siya ang paboritong apo ng lolo niya, wala nang iba!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending