Pintasero at retokadong male personality bawal nang pumasok sa isang tv network | Bandera

Pintasero at retokadong male personality bawal nang pumasok sa isang tv network

Cristy Fermin - October 23, 2017 - 12:10 AM

KULANG na lang na maglakad nang paluhod at magpapako sa krus ang isang bagitong personalidad para hindi maunsiyami ang kanyang pangarap na maging artista.

Kung sinu-sinong taga-showbiz ang kanyang nilalapitan, text nang text ang mga nag-aalaga sa kanyang walang pupuntahang career sa mga taga-showbiz na puwedeng makatulong, pero tapos na ang kuwento.

Sarado na ang pintuan ng isang network para sa bagitong wala pa namang napatutunayang talento ay agad nang nagpalutang ng kaangasan at kahambugan.

Kuwento ng isang source na may malalim na kuwentong alam tungkol sa pangyayari, “Waley na siya!

Cannot be na siya sa network! Pintas-pintasan ba naman niya nang walang patumangga ang isa sa mga prized possessions ng istasyon, ano ngayon ang napala niya?

“Hanggang sa gate na lang siya ng network, hanggang patingin-tingin na lang siya ngayon dahil meron nang utos ang mga kataas-taasan na wala na siyang magiging project uli sa network na ‘yun!

“Ngayon niya sabihing nabigla lang siya, ngayon siya magmagaling na biru-biruan lang ang ginawa niyang pang-aalipusta sa nananahimik na young actress.

“Ngayon niya ipagsigawan na wala namang siyang masamang intensiyon nang pagtripan niya ang girl at ngayon siya mamulot sa kalye ng mga dahilang puwede niyang ibigay!

“Hala, sige! Ngayon siya magmakaawa at magpaawa, ngayon siya magkunwaring walang alam, gawin na niya ang lahat-lahat ngayon para hindi mabulilyaso ang ilusyon niyang mag-artista!” napapailing na naiinis na kuwento ng aming impormante.

Kung gaano kaagang nalunod sa isang kutsarang tubig ang bagitong maangas at mayabang ay ganu’n din ang kinahinatnan ng kanyang pangarap na maging sikat na artista.

Patuloy ng aming source, “Ano ba naman kasi ang inaasahan niya pagkatapos niyang pintas-pintasan at gawing katatawanan ang young actress na kontratado ng network? Ang palakpakan pa siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano ngayon ang nangyari sa kanya? Kailangan niyang maghanap ngayon ng pinakamahusay na doktor na makakayang retokehin ang ugali niya! Hindi lang itsura niya ang dapat nagbago, pati ang kabastusan niya, iparetoke na rin niya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kahit nakapikit, kayang-kaya n’yo nang tumbukin kung sino ang maangas na retokadong personalidad na bumibida sa kuwento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending