Kotse sumalpok sa bahay: Brgy. chair, 4 pa sugatan | Bandera

Kotse sumalpok sa bahay: Brgy. chair, 4 pa sugatan

John Roson - October 22, 2017 - 03:59 PM
Sugatan ang isang barangay chairman, kanyang misis, at tatlo pa katao nang sumalpok ang sinakyan nilang kotse sa isang bahay sa Ormoc City, Linggo ng umaga. Nakatulog umano si Ricardo Cerillo, chairman ng Brgy. Puting Bato, Isabel, Leyte, habang nagmamaneho, kaya nadisgrasya ang sasakyan, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police. Naganap ang insidente pasado alas-3 sa Brgy. Cabulihan. Minamaneho ni Cerillo ang kanyang Hyundai Accent mula Alang-alang patungong Ormoc proper, nang sumalpok sa bahay ng isang Rolando Mendoza. Dahil sa impact, nagtamo ng bahagyang pinsala ang mga sakay na kotse na kinabibilangan ng chairman, misis niyang si Melona, 43; kamag-anak na si Junrex Simbaco, 23; Daisy Sumodlayon, 20; at Jinezel Liaz, 18. Dinala si Cerillo sa istasyon ng pulisya, habang ang iba pang sakay ng kotse’y inabisuhang magpalapat ng lunas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending