SINUBUKAN ng nagdedepensang kampeong San Beda Red Lions na madungisan ang kartada ng Lyceum of the Philippines University Pirates pero nabigo ito kahapon matapos na lumuhod sa dobol overtime, 107-105, sa huling araw ng eliminasyon ng 93rd NCAA men’s basketball tournament sa San Juan Arena.
Ito ang ika-18 panalo ng Pirates sa 18 laro na awtomatikong maghahatid sa Lyceum sa Finals.
Ang huling koponan na nagtala ng sweep sa elims ay ang San Beda noong 2010 sa record na 16-0. Nanalo pa ito ng dalawang sunod sa Finals kung kaya natapos nito ang buong NCAA season na may malinis na kartadang 18-0.
Naputol din ng Lyceum ang streak ng San Beda na nagtapos bilang number one team sa pagtatapos ng elims sa 11 magkakasunod na season.
Ito naman ang unang pagkakataon na makapasok sa NCAA best-of-three Finals ang Lyceum.
At dahil nawalis ng Pirates ang elims ay hindi magkakaroon ng Final Four showdown sa taong ito bagaman magsasagawa ng step-ladder semis para malaman kung sino ang makakatapat ng Lyceum sa NCAA Finals.
—Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.