Ai Ai idedemanda ang basher ni Gerald: Sira-ulo ka, basura ba ko!? Humanda ka!
KAKASUHAN ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang mga naninira at nambabastos sa kanyang fiancé na si Gerald Sibayan.
Grabe na raw kasi ang ginagawang pamba-bash ng ilang netizens sa kanyang future husband at nagpaplano na silang sampahan ng reklamong cyberbullying ang mga ito.
“Kapag kay Gerald, kasi si Gerald is private citizen. Sa aming mga artista, sad to say, wala pa kaming law. Kausapin ko na lang si Ate Vi (Rep. Vilma Santos) na gumawa ng law para sa mga artista na sobrang bina-bash. Tao lang din naman kami, lahat naman tayo may pakiramdam, di ba?
“Si Gerald ang puwede, kasi private person siya, nagkataon lang na boyfriend ko siya,” sey ni Ai Ai nang makausap ng press sa premiere night ng latest movie niyang “Bes And The Beshies” under Cineko Productions and Regal Films.
Nais lang daw ni Ai Ai na turuan ng leksyon ang mga taong puro kanegahan ang ginagawa sa social media.
“Gusto ko talaga. Para kasi minsan sobra na yung mga tao na parang akala mo, kakilala ka nila. Kung pagsalitaan si Gerald akala mo kilalang-kilala nila ‘yung tao. May isang babae nga na nagsabing, ‘Itong batang ‘to, ayaw magtrabaho. Kaya pumapatol na lang sa ano.’
“Gusto ko sabihin, ‘Hoy, si Gerald, 4 a.m. gising na para magtrabaho. Baka ikaw tulog ka pa ng alas-kuwatro ng umaga, ‘Day, kung sino ka mang babaeng hitad ka!’ Kasi si Gerald, grabe, nagtatrabaho hanggang alas-nuwebe ng gabi. Kasi dalawa ang tinuturuan niyang eskuwelahan (bilang badminton coach). Kaya du’n ako nasaktan. Sinasabing ayaw magtrabaho kaya pumatol sa akin!”
Galit na galit pang baling ni Ai Ai sa basher ni Gerald, “Gaga, sira-ulo ka, at kilala ko yung profile mo, humanda ka sa akin! Bakit, porke’t pumatol sa akin? Ano ba ako? Basura ba ako? Hoy, nag-aral ako!
Tumigil kayo diyan!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.