Pacman game tumakbong pangulo sa 2022; may religious show sa GMA
YES, ang walang wawang senador na si Manny Pacquiao ay magkakaroon daw ng religious show sa GMA 7 very soon.
Natawa kami dahil puro sablay naman ang mga ipinakita niyang ugali sa Senado using the Bible verses in many issues and debates. Kumbaga, feeling namin ay ginagamit lang niya ang Bibliya to gain more mileage.
Alam naman nating nagpapastor-pastoran si Pacman pero parang hindi naman niya nauunawaan ang mga pinagsasabi niya. Palagi niyang ginagamit ang mga salita ng Diyos sa mga debate na taliwas naman sa tunay na pakahulugan ng mga ito.
Tulad halimbawa sa pagpayag niya sa tokhang – ang pagpatay sa mga drug suspect. Alam naman nating bawal ang pumatay at iyan ay malinaw na nakasaad sa Ten Commandments. May sariling katwiran si Manny riyan at pinaninindigan niya ito.
Try mo siyang kontrahin sa paniniwala niyang ito at tiyak na maiimbyerna siya sa iyo. Kahit sa propesyon niyang boksing, hindi yata niya naisip na kapag isa kang tagasunod sa utos ng Panginoon tulad ng gusto niyang i-portray or i-project sa taumbayan, ito’y uri ng larong nakakapanakit ng kapwa.
Nakita naman natin na very physical ang labanang ito at kadalasan ay duguan ang manlalaro. May iba pa ngang namamatay dala ng hemorrhage.
Hindi gusto ng Diyos iyan for sure, ang gusto ni Lord ay pagmamahalan at hindi pagsasakitan. Kahit in the name of sports. Iba ang basketball – kahit nagkakabalyahan, incidental lang iyon unlike sa boxing na deliberate ang pananakit manalo lang. Lalo pa’t very attractive ang papremyo sa boksing, look how it made Pacquiao sooo rich, di ba?
Iyon nga lang, di siya nagbabayad ng tamang buwis. wala ba sa Bible ang kasalanan ang di pagbayad ng tamang tax? Pandaraya iyon, di ba?
Naalala ko pa ang isang insidente na napanood ko during the Senate hearing – makikitang galit na galit si Pacquiao at habang nagsasalita ay pinatutunog ang mga kamao na parang gustong manuntok. Hey, ang alagad ng Diyos ay nagpapairal ng pasensiya. Pag may hawak kang Bible di ka dapat umaasta ng ganyan. Nabasa mo ba ang isang nakasulat doon na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay or something to that effect.
Huwag kang magpatunog ng kamao mo na parang gusto mong palabasing ikaw ang pinakamatapang sa mundong ito.
Manny should walk his talk. Hindi kami naniniwala na taong-Bibliya siya. And mind you, dahil meron itong mas mataas na ambisyon, sinakyan yata ang ilusyon ng mga close sa kanya that he’d be the next president of the Philippines in 2022, hayan at kailangan na niya ng maagang visibility sa telebisyon kaya magma-mount na siya ng monthly religious show sa GMA.
Kailangan niyang ma-maintain ang kaniyang popularity dahil may matayog siyang pangarap. God forbid! Kung totoo mang may balak tumakbo sa panguluhan si Pacquiao, Ikaw na po Panginoon ang bahalang magdesisyon. Maawa naman po Kayo sa bansa namin. Puro na po kami hinagpis, isalba Niyo po kami sa tiyak na kapahamakan.
Hindi lang po kapahamakan ang kababagsakan namin kung si Pacquiao ang magiging pangulo, babalik lang kami tiyak sa Old Stone Age, kung bakit kayo na ang bahalang sumagot. Let there be light. Amen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.