CHRISTIAN inagaw ang proyekto ni MARK sa GMA; mag-ingat daw sa KARMA | Bandera

CHRISTIAN inagaw ang proyekto ni MARK sa GMA; mag-ingat daw sa KARMA

Ambet Nabus - June 15, 2013 - 04:02 PM

Nakakatuwang-nakakagulat din ang mga reaksyon ng ilang followers natin sa Twitter na nakabasa ng isinulat ng mahal nating si papa Jobert Sucaldito tungkol kay Christian Bautista at paglipat nito sa GMA network. “Naku, agree kami talaga na super ambisyoso iyang singer na iyan na gustong maging artista kahit pilit na pilit.

Subukan kaya niyang rebyuhin kung anong klaseng hamonadong arte ang meron siya sa Jeepney cable kung saan palabas ang show niya noon with Anne Curtis. Sa tingin ba ng manager niyang frustrated actress ba o actor din ay nag-improve ang pag-arte nito para ipagduldulan ito sa soap? Bakit?” ang parte ng mahabang litanya ng itatago natin sa tawag na @leclecmongganda.

Naku, kapatid na Ervin, meron pa itong segue na sinasang-ayunan din ang pagiging mukhang pera ng kampo ni Christian dahil hindi lang daw pala isang beses nilang sinubukan na kunin ang serbisyo ng singer-actor noong nag-uumpisa pa lang ito pero sa pagpipilit daw na lagyan agad ng premium ng manager nito ang alaga, eh talagang “mapili” raw ang mga ito sa exposure, samantalang dati-rati naman ay kahit sa mga karaoke o comedy bars ay dinadala siya kanyang   manager. Paghandaan na lang daw nila ang karma.

Well, nagulat talaga kami kapatid na Ervin sa pagdagsa ng tila hindi magandang feedback ngayon sa aktor lalo pa nga’t may tsismis ding kahit ang kapwa singer-aktor niyang si Mark Bautista ay nakakaagawan na nito sa mga projects sa GMA, “Kaya nga umalis ng ABS-CBN si Mark dahil marami ng artista roon.

Sa GMA 7, natupad ang pangarap niyang maging isang aktor. In all fairness, mas marami nang napatunayang acting vehicles si Mark kumpara kay Christian na ewan talaga namin kung saan kumukuha ng lakas na loob para mag-artista?” hirit pa ng aming katsika.

Teka lang kapatid, hindi talaga kami aware o na-inform man lang, ano ba ang soap ni Christian sa GMA 7 at bakit may mga ganitong reaksyon? Ha-hahahaha! (Mare, kasali siya sa bagong morning teleserye ng GMA na With  A Smile! Ha-hahaha! Ikaw talaga! – Ed)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending