Kambal nina Zoren at Carmina teenager pa lang milyonaryo na
TEENAGER pa lang ang kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na sina Maverick at Cassandra Legaspi ay pareho na silang mga milyonaryo.
Sa dami na nang nagawa nilang TV commercial mula pa noong mga bata pa sila ay siguradong milyun-milyon na ang kanilang ipon sa banko, pero sa kabila nito, nananatiling humble at disiplinado ang kambal.
Humarap ang kambal kasama sina Zoren at Carmina sa ilang members ng entertainment media sa presscon ng bago nilang endorsement, ang CitiDrug, isang one-stop shop drug store kung saan makakabili ng generics at branded medicines with food plus bills payment services and telco loading station.
Aminado si Zoren na mas istrikto siya sa mga anak kesa kay Carmina. Aniya, binibigyan lang nila ng budget sina Cassy at Mavy for one year. Ngayon pa lang ay tinuturuan na nilang maging wise sa paggastos ang kambal.
“They have their own money. Kapag naubos nila ‘yon sa kaka-shopping nila, bahala sila kasi hanggang doon na lang iyon. They have to wait kung kelan ulit namin sila bibigyan.
“We don’t want them to grow up na spoiled or privileged kasi hindi madaling kitain ang pera. Kaya kami ni Mina, tinuruan namin silang maging wise at praktikal sa buhay. Hindi porke’t may pera ka, uubusin mo na agad-agad,” ani Zoren.
Marami ang nagsasabi na siguradong magiging magaling na artista rin ang mga ito, ang tanong papayag ba sina Carmina at Zoren?
“As of now, mas focused sila sa studies nila at sa sports. And I think it’s better that way. Both of them are well behaved at never kaming binigyan ng problema. As it is, they’re now earning on their own with their endorsements and guestings. Pero kung sakaling mag-decide sila na mag-artista, we have to talk about it, kaming family.
“Tama si Zoren, we really have to sit down and really talk about yung sa future nila. Basta as parents, nandito lang kami to support them,” dagdag ni Carmina.
Matagal na raw may mga offer kina Mavy at Cassy na magteleserye pero hindi ito tinatanggap nina Zoren at Carmina dahil nga naniniwala sila na hindi pa ito ang tamang panahon. Ang wish lang ni Carmina, sana raw kayanin niya ang mga intrigang haharapin ng kambal.
“Naku, sana lang talaga kayanin ko yung mga intrigang darating sa kanila, lalo na sa social media. Tsaka sana hindi ako mapaaway. Siguro kailangan naming magdasal at mag-usap-usap talaga,” sabi pa ni Carmina.
Samantala, bilang mga bagong brand ambassador ng CitiDrug, sinabi ni Carmina na gusto niya ring magkaroon ng sariling drug store someday, “We’re glad to endorse CitiDrug kasi it has something for all the members of a family like us.
“I’ve always imagined myself at the counter dressed as a pharmacist, kaya I’m glad that part of our deal is magkakaroon kami ng sarili naming drug store. Naghahanap na nga kami ng magandang location,” ani Carmina.
Sa dami ng showbiz families sa showbiz, bakit ang pamilya Legaspi ang napili ng mga may-ari ng CitiDrug para magong endorsers nila? “Their family being caring and nurturing as it is strong and united is just perfect for our brand,” sabi ni Dr. Enrico Sta. Ana, president ng Xentro Lifestyle, ang may-ari ng CitiDrug.
“Our slogan is ‘Para sa Pamilyang Pilipino’, so bagay na bagay ang pamilya nila in instilling health care awareness for the Filipino family,” dagdag ni William Scheirman, Chief Financial Officer.
Masaya ring ibinalita nina Carmina at Zoren na meron nang discounted franchise packages ang CD para sa first 100 interested applicants. For inquiries, mag-e-mail sa [email protected] o tumawag sa 092-77547239.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.