Solenn hindi uurungan si Andrea sa bugbugan at hubaran Bandera

Solenn hindi uurungan si Andrea sa bugbugan at hubaran

|September 17,2017
share this

Solenn hindi uurungan si Andrea sa bugbugan at hubaran

| September 17,2017 - 12:01 AM

ANDREA TORRES AT SOLENN HEUSSAFF

SUNUD-SUNOD na ang mga pasabog sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood. Matapos lumabas ang karakter ni Solenn Heussaff bilang si Iris, kaabang-abang naman ngayon ang mainit na showdown niya with Venus (Andrea Torres) na siguradong hindi rin magpapatalbog sa action at paseksihan.

Pero ayon kay Solenn, siguradong bagong face-off naman ang mapapanood sa paghaharap nila ni Andrea,

“For sure may ganyan na mangyayari. Siyempre naman si Venus, fiancée siya ni Pepe. Tapos si Pepe, palagi siyang sa tabi ko. So mati-threaten siya, magseselos siya. So tingnan natin kung ano ang mangyayari.”

Isa pa sa tinututukang pasabog ay ang panibagong look o OOTD ni Robin Hood (Dingdong Dantes). Sa inilabas na teaser plug, tila mas matapang ang kanyang look. Mukhang ready na siya uling magpakita para ipagtanggol ang naaapi at tumulong sa nangangailangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending