Maikling oras ng pahinga ng empleyado ’wag ipagkait | Bandera

Maikling oras ng pahinga ng empleyado ’wag ipagkait

Liza Soriano - September 16, 2017 - 12:10 AM

OBLIGADO ang mga employer na magbigay ng maikling oras ng pahinga sa kanilang mga empleyado.

Sa mga saleslady, kinakailangang bawasan ang oras ng pagtayo o paglalakad. Kailangan din maglagay ng employer ng mauupuan kung saan maaari nilang gampanan ang kanilang gawain na hindi makakasagabal o makakaapekto sa kanilang pagtatrabaho.

Inaatasan ang mga establisyamento na magbigay ng maikling oras ng pahinga para sa empleyado partikular na sa mga saleslady.

Kailangan na may oras sila upang iunat o ipahinga ang kanilang mga binti at maipahinga ang kanilang mga paa na matagal na nakatayo.

Dapat din silang bigyan ng komportableng mauupuan.

May epekto sa kalusugan ang mahabang oras ng pagtayo, partikular kung mataas ang takong na ginagamit sa trabaho.

Kung sobra ang bigat na dinaranas ng muscle dahil sa mahabang oras ng pagtayo, magkakaroon ito ng epekto sa likod gayundin din sa mga binti.

Makakaramdam ng sakit dahil sa pagod. Ang maapektuhan ay ang joints at ang musculoskeletal system.

Magiging sanhi ito ng problema sa gulugod, sa binti, at sa katagalan, kung hindi ito agad maitatama, maaaring magkaroon ng arthritis at iba pang musculoskeletal disorders,” aniya.

Nakasaad din sa bagong kautusan ang paglalagay ng angkop na sahig (kahoy o rubber floorings) upang mabawasan ang epekto nang madalas na paglalakad o matagal na pagtayo.

Naatasan ang DOLE Regional Office na mag-inspeksiyon at i-monitor ang wasto at mahigpit na pagpapatupad ng nasabing kautusan na magkakaroon ng bisa 15 araw matapos itong mailathala sa pahayagan.

Nakasaad sa Article 168 ng Labor Code at Rules 1000 and 1960 ng Occupational Safety and Health (OSH) Standards na inaatasan ang labor department na magbuo ng mga polisiya at magpatupad ng mga programa upang tiyakin na ligtas at napapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa sa kanilang trabaho.

Director Teresita
Cucueco
Bureau of Working Conditions

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending