James, Nadine tumatayming lang, makakabawi muli sa JaDine fans | Bandera

James, Nadine tumatayming lang, makakabawi muli sa JaDine fans

Jobert Sucaldito - August 24, 2017 - 12:05 AM

PARANG walang masyadong project ang papa kong si James Reid at dyowa cum ka-loveteam nitong si Nadine Lustre lately.
Nadine would head the entertainment pages recently pero on little controversies about her but not because of pending jobs.

Merong lumalabas na ipinagmamalaki raw ng dalaga sa social media posts nito ang pakikipag-inuman with her friends. Pero as far as jobs are concerned, mukhang tahimik ang dalawa.

Baka tuma-timing lang sila. Alam n’yo naman sa industriya natin, maingay lang ang mga star pag meron silang upcoming projects pero pag waley, silence of the lambs din sila, di ba? Pero balita ko busy sila sa ilang roadshows kung saan mabentang-mabenta ang kanilang tandem.

Iyon nga lang, meron pa ring lumulusot na kanegahan dahil yung mga handlers yata nila ay inilalayo sila sa kanilang fans. Masyado raw strict ang mga ito lalo na sa meet and greet portion ng kanilang events.

“Paano kasi, masyado nang mature ang kanilang galaw. Ayaw ng fans na parang wala na silang maaasahan kay James na iniilusyon nila dahil binakuran na ni Nadine. Sobra na ang public display of affection nila kaya turned off na ang mga girlash and baklitas.

“Okay lang sa kanila ang loveteam-loveteam pero pag masyado nang pina-publicize ang mga halikan and chika na nagli-live daw sila ay nawawalan na ng ilusyon ang fans. Ganoon talaga eh, alam kasi nila na kahit sa panaginip ay malabo na nilang maangkin si James kasi nauna na siyang pumasok sa panaginip ni Nadine. Ha! ha! Ha!” ek-ek ng isang malditang faney.

Hayaan n’yo na, kung ayaw na ninyong ilusyunin si Papa James dahil may Nadine na siya, ako na lang ang magpapatuloy sa pag-iilusyon. Malay mo, mapagod kay Nadine at ako ang pagbalingan. Pagbalingan ng alin? Pagmamahal o suntok? Ha! Ha! Ha!

q q q

Pag di ko gusto ang nababasa kong posts sa Facebook, either ina-unfriend o bina-block ko ang nag-post. Kesa naman ma-stress ako sa mga saliwang paniniwala nila, mas mabuti na yung di ko mabasa ang kanilang feeds and vice versa.

Of late, ilan na bang close friends ko at kamag-anak ang binlock ko? Why did I do that? Para ma-save ko ang personal relationships ko with them. Kasi nabubuwisit ako sa mga pananaw nila as far as some news items are concerned.

Hindi ko sinasabing kailangang magkapareho kami ng pananaw pero kung ang take nila on issues ay yung parang fanatic na ni Pangulong Rodrigo Duterte na kahit mali ang asta ay pilit nilang tinatama, naiirita na ako noon. Kaya blocked as in blocked sila. Kebs ko naman kung magalit sila. Ha! Ha! Ha!

Ang gulo-gulo na ng bansa ngayon, people must realize na kailangang maging vigilant tayo sa lahat ng mga pangyayari sa kapaligiran. It’s not about revolting against the government but take part in every part of it. Speak up – your voice must be heard. Pero dapat in a decent manner, in a legitimate ang logical way. Yung kahit paano ay nakakatulong ka. Hindi yung puro dada lang nang dada just for the sake of dada.

Don’t be a Mocha Uson. Be a Mariel de Leon. Something like that. After all, mga buhay natin ang nakasalalay dito – ang mga kinabukasan ng mga anak natin ang apektado rito tiyak if things turn out to be gray in this country.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang sama-sama ng lagay ng sobrang patayan sa bansa natin. Parang padamihan sila ng napapatay, tapos idya-justify kuno nila ang operasyon nila para hindi tawaging murder. Yes Mocha – that’s MURDER. Killing a person with intention ay MURDER ang tawag sa amin. Sa inyo ba hindi? Huwag sosyonga-syonga, okey?

Hay buhay, onli in da Pilipins.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending