‘Di ko na alam kung sino si Lola Flora at kung sino si Susan!’ | Bandera

‘Di ko na alam kung sino si Lola Flora at kung sino si Susan!’

- August 14, 2017 - 12:30 AM


HINDI nakakaramdam ng pagod o pagkasawa ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces sa halos dalawang taon nang pamamayagpag sa primetime ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Maligayang-maligaya nga ang veteran actress dahil sa patuloy na tagumpay ng kanilang serye na pinagbibidahan ng Teleserye King na si Coco Martin. Gumaganap siya bilang si Lola Flora sa Ang Probinsyano na patuloy na minamahal ng manonood.

“Naging parte na ng araw-araw na buhay namin ang teleseryeng ito. Hindi ko na nga malaman kung sino si Lola Flora at kung sino si Susan. Pag-gising ko tuwing umaga, dumikit na sa aking katauhan ang character ko rito,” pahayag ng movie queen.

Ayon naman sa leading lady ni Coco sa serye na si Yassi Pressman na gumaganap naman bilang si Alyana (asawa ni Cardo) parang pamilya na ang turingan nila sa set ng programa.

“Kapag nakita n’yo po sila sa set kung paano sila magtrato hindi lang ng co-artists at staff ng lahat ng kasama namin, si Tita Su (Susan) laging sinisiguro na lagi kaming mayroon pagkain,” ani Yassi.

Malayo pa raw ang tatakbuhin ng Probinsyano (na tatagal pa hanggang 2018), ayon kay Susan Roces, siniguro rin niya na marami pang makabuluhang isyu sa Pilipinas ang tatalakayin ng kanilang serye na nananatili pa ring numero unong programa sa buong bansa.

“Ramdam na ramdam ko sa mga eksena namin sa palabas na ito ang tunay na pinagdadaanan na mga normal na tao,” sey pa ni Ms. Susan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending