Nangangarap makapag-Singapore (2)
Sulat mula kay Katlyn ng Luyahan, Pasonanca, Zambonga City
Problema:
1. Ako ay kasalukuyang namamasukan bilang tindera ng damit sa palengke. Pero ang dating kasamahan ko sa trabaho ay inaya akong mag-aplay sa Singapore kaya naglakad kami ng mga papeles namin. Ang problema, magdadalawang buwan na kaming naghihintay pero wala pa rin silang tawag. Nag-follow-up na rin kami sa agency na pinag-aplayan namin at ang sabi ay pipoproseso na raw ang mga papeles namin.
2. Sa ngayon ay naiinip na ako dahil ang ibang mga kasabayan namin ay nakaalis na. Itatanong ko sana Sir Greenfield kung matutuloy na kaya ako sa pangalawang subok ko na ito na makapag-abroad? Pangarap ko kasing makapag-abroad upang maiahon sa kahirapan ang aming pamilya. Kailan kaya ako matutuloy at kung matutuloy ako magiging maganga kaya ang kalagayan ko sa Singapore? June 1, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Katlyn ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay nagsasabing sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre, tiyak ang magaganap—tatawagan ka na ng agency na pinag-aplyan mo upang ihanda ang iyong sarili sa nalalapit mong paga-abroad sa Singapore.
Numerology:
Ang birth date mong 1 ay nagsasabing sa umpisa, medyo mahihirapan ka sa iyong trabaho pero pag lipas ng isa o dalawang buwan ay madali na sa iyo ang trabaho. At sa panahong iyon, dahil matiisin ka at masipag, magugustuhan ka ng lalaki mong amo kaya mas madali kang uumentuhan ng suweldo, at aasenso.
Luscher Color Test:
Basta’t lagi ka lang magsusuot ng kulay na dilaw, gray at berde, tulad nang nasabi na, pagpasok na pagpasok ng buwan ng Setyemnbre ay tuloy-tuloy ka nang susuwertehin. Habang umuusad ang bawat araw, lalo pang gaganda ang iyong kapalaran sa pangingibang bansa.
Huling payo at paalala:
Katlyn, ayon sa iyong kapalaran, walang duda, bigla kang tatawagan ng agency mo sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre. Sa edad mong 29 pataas ay matutupad ang iyong pangarap—makapaga-abroad ka sa bansang Singapore at ang paga-abroad na ito ay masusundan pa nang masusundan hanggang sa tuluyang umunlad at ganap ng umasenso ang inyong kabuhayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.