ANDREA TORRES: Hindi ko pa talaga kayang maghubad, huwag naman nating biglain!
Hindi direktang itatapat ng GMA 7 ang With A Smile sa morning series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart, 10:15 a.m. mapapanood ang serye ng Siyete habang 11:30 naman ang programa nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Pero hindi pa rin maiiwasan na pagkumparahin ang dalawang show.
Sey ng leading lady nina Christian at Mikael na si Andrea Torres, “Sa tingin ko naman, hindi talaga dapat kinu-compare. Unang-una, hindi kami pareho ng timeslot. Nagkataon lang na ang GMA, gusto na ring magkaroon ng soap sa umaga na nagawa naman before. Kaya lang kasi, first time na light, di ba?”
Dagdag pa ng dalaga, “Minsan nagtatanungan kami nina Direk Louie Ignacio, Mikael… na hindi talaga maiiwasan na gano’n. Pero ayaw naming i-compare ang sarili namin sa iba, kasi siyempre maaapektuhan yung work.
“At siyempre, gusto kong isipin na iba yung story nito. So, iba naman yung makikita ng audience dito, iba naman sa kabila,” hirit pa ni Andrea. Tungkol naman sa pagsabak sa pagpapa-sexy at pagpo-pose sa men’s magazine, “Hindi pa talaga ako ready na magpa-sexy. Parang feeling ko, two to three years pa. Gusto ko rin siyang gawin, pero not now. Kasi feeling ko, masyado pang maaga.”
“Okay rin sa akin sa magazine, pero not now. Huwag lang ngayon. Kasi, parang gusto ko lang namnamin ang bawat step. Ayoko lang biglain lahat, pero in the future siguro. Parang ngayon kasi, nae-enjoy ko pa yung wholesome, yung pakilig-kilig, pa-sweet-sweet,” sey pa ng Kapuso leading lady.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.