Joshua nahawa ng kanegahan kay Julia? | Bandera

Joshua nahawa ng kanegahan kay Julia?

Jobert Sucaldito - August 03, 2017 - 12:05 AM

HINDI ko alam kung hahalakhak ako nang sobrang lakas o manlulumo sa naging depensa nitong si Joshua Garcia kung bakit sila nagsuot ng face mask when he visited a mall kasama si Julia Barretto. Parang ginaya lang daw nila yung ginagawa mg mga Korean stars para hindi sila pagkaguluhan.

“Ang sabi raw ni Joshua, sinadya nilang magsuot noon kasi nagmamadali raw sila ni Julia to catch the showing ng isang film. Kasi raw, baka pagkaguluhan sila ng fans at magtampo sa kanila pag di nila napagbigyan sakaling manghingi ng photo-op.

“Tsaka, iniingatan lang daw nila ang endorsements nila, baka raw kasi makuhanan sila along the way ng shots na direct competitor ng kanilang mga ineendorso,” sabi ng isang isang kaibigan who came in the defense of the two.

Huh? Talagang naisip ni Joshua iyon? Naisip niyang pagkakaguluhan sila? Eh, kung tayo nga, hindi pa natin masyadong kilala si Joshua pag nakasalubong natin? Si Julia is more familiar pero hindi sila yung tipong magkakagulo ang mga tao pag dumaan sila.

Buti kung KathNiel iyan or JaDine na super sikat na talaga. Kung totoong sinabi ni Joshua ito, gusto ko siyang tapikin at baka nakatulog nang mahimbing.

Huwag masyadong mag-ilusyon. Sayang siya kung totoong sinabi niya iyon dahil nakuha na sana niya ang respeto namin bilang isang mahusay na batang aktor. Pero marami pa siyang kaikaining bigas, asin, kamatis, sibuyas, okra, patani (bahay kubo na ba ‘to? Ha-hahaha!) bago niya marating ang tunay na katanyagan. Hey, young man – wake up. The morning is over.

Naku, mukhang nahawaan na ng kanegahan ni Julia si Joshua, ah. Nakakatakot ang ganyang attitude. Baka di magtagal sa industriya ang batang ito pag nalunod na sa 1/4 na basong tubig.

q q q

Ngayong umaga raw ihahatid ang mga labi ni Tito Alfie Lorenzo sa Angeles, Pampanga para paglamayan sa St. Mary’s Chapel. Pagdedesiyunan pa raw ng family nila kung siya ba’y ililibing or iki-cremate. Balak daw kasi siyang ilibing sa tabi ng puntod ng kanyang mga magulang.

Kaybilis ng mga pangyayari, palagi kaming nagkikita ni Tito Alfie and we would have good tsikahan more often. Pero marami ring pagkakataong tinatakasan namin siya dahil alam n’yo naman si Tito Alfie, mahilig sa long tsikahan. Ako kasi’y mainipin sa ganyan kaya gumagawa ako ng eksena para makatakas. Ha! Ha! Ha! Alam naman niya iyon, eh. Pero minsan nahuhuli niya kami somewhere near lang and doon na naman siya mag-start ng conversation.

In fairness kay Tito Alfie, he’s such a sweetheart pag love ka niya. Pero pag kaaway ka niya, don’t ever dare go near him at makakatikim ka talaga ng talak. Mapapahiya ka kung manipis ka masyado. Pero ang totoo niyan ay madali naman siyang laruin eh, madali siyang echosin. Huwag mo lang kalabanin and you’ll get what you deserve.

Mami-miss namin si Tito Alfie kasi madalas na nagdadala iyan ng pako salad in bilao from Pampanga tuwing lumuluwas siya. Specially ordered niya iyon from Pampanga kaya ang sarap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami kaming common friends na kinabubiwisitan namin actually, kasi nga, maganda ang sinasabi ng mga ito pag kaharap si Tito Alfie pero pag nakatalikod na, kaniya-kaniya silang iwas and all. Lalo na sa casino area, marami siyang plastic na friends doon. Ha! Ha! Ha! Parang takot na takot mautangan ni Tito Alfie pag nalolotlot (read: natatalo) siya. Pero pag kaharap si Tito Alfie, halatang takot naman silang mapagsabihan. Mga echoserang frogs kasi, di ba? Di kaya sila multuhin ni Tito Alfie ngayong wala na siya? Hala kayo. Ha! Ha! Ha!

Anyway, maligayang paglalakbay, Tito A. Basta tulungan mo na lang kaming makuha ang malalaking jackpot sa casino, ha. He! He! He!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending