Judy Ann, Angelica magsasama sa pelikulang 'Dalawang Mrs. Reyes' | Bandera

Judy Ann, Angelica magsasama sa pelikulang ‘Dalawang Mrs. Reyes’

Reggee Bonoan - August 03, 2017 - 12:30 AM

KAHAPON ginanap ang story conference ng pelikulang “Dalawang Mrs. Reyes” na pagbibidahan nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban produced by Star Cinema and Quantum Films sa direksyon ni Jun Lana.

Ayon kay Atty. Joji Alonso ng Quantum, plano sana niyang i-postpone ang storycon dahil si Juday ang punong-abala sa burol ng dating manager niyang si Alfie Lorenzo sa Arlington Memorial Funeral Homes pero ang sabi ng aktres ay ituloy na lang.

“Kasi siyempre alam kong pagod din si Juday, pero sabi niya, ituloy ko, so itinuloy nga at sandali lang naman iyon at para mag-meet lang din sila ni Angelica.

“Saka magsu-shoot na kasi kami sa August 9 kaya kailangan na ring mag-storycon,” kuwento ni Atty. Joji sa amin sa kabilang linya.

Tinanong namin kung bakit “Dalawang Mrs. Reyes” ang titulo ng pelikula, hindi ba ito ginaya sa titulo ng serye sa GMA 7 na “Dalawang Mrs. Real” nina Dingdong Dantes, Lovi Poe at Maricel Soriano?

“Naku, Reggs, hinding-hindi, actually mas nauna pang nasulat ang script nito before ‘Mrs. Real’, ngayon lang gagawing movie, pero siyempre mahirap maniwala ang tao kasi nga naunang umere yung sa GMA.

“Pero sobrang malayo ang kuwento, kasi hindi ito about kabitan. Ibang-iba ang istorya. Never pang nagawa, I think at higit sa lahat, first time ni Juday na gagawin ang ganitong klaseng role,” paliwanag ng Quantum producer sa amin.

Na-curious tuloy kami kung anong tema ng “Dalawang Mrs. Reyes” dahil talagang excited din itong gawin ni direk Jun.

Ang sabi lang sa amin ni Atty. Joji, “May out of the country shoot kami. Hindi pa puwedeng sabihin kasi malalaman na, mahalaga kasi ‘yung bansang ito kung bakit naging ganu’n ang title, doon magsisimula,” saad ng producer.

Dagdag pa niya, “Alamin mo kung anong meron sa bansa na ‘yun bakit doon namin gustong mag-shoot.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala namang binanggit sa amin kung doon nagtatrabaho sina Juday at Angelica o pareho silang turista o anuman. Ni-research agad namin ang bansang tinukoy ng producer pero wala naman kaming nakitang kakaiba rito bukod sa madalas nga itong puntahan ng mga OFW at turista.

Kilala ang bansang ito sa Literature and Arts, magandang klima, mayaman din sa natural resources at maraming iba pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending