BIR, BOC tinik sa tagiliran ng taxpayer | Bandera

BIR, BOC tinik sa tagiliran ng taxpayer

Leifbilly Begas - August 02, 2017 - 12:10 AM

MUKHANG may punto ang militanteng grupo.

Bakit nga naman itataas ng Kongreso ang buwis na magpapahirap sa taumbayan kung pwede naman pa lang makipakasundo ang Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs sa mga dapat ay nagbabayad ng malalaking buwis?

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, magiging masakit ang hagupit ng dagdag na P6 excise tax sa bawat litro ng diesel. Sa kasalukuyan ay exempted sa excise tax ang diesel.

Bukod kasi sa inaasahang pagtaas ng pamasahe sa pampublikong sasakyan dahil dito, tiyak na ipapatong din ng mga negosyante ang dagdag na transportation cost sa pagdadala ng mga produkto sa mga mamimili.

Lagot na naman si Juan deal Cruz niyan. Tataas ang ilihin pero wala namang dagdag na kita.

Napakasakit umano na habang nag-iisip ang gobyerno kung paano lalaki ang kita nito, mababalitaan mo ang BIR na pumapasok sa mga settlement.

Gaya nung isyu ng Del Monte Philippines Inc., na tinutu-
tukan ng House committee on ways and means.

Sinisingil umano ng P8.7 bilyon ng BIR ang DMPI para sa taxable year na 2011 hanggang 2013.

Nilabanan ito ng DMPI dahil nagbayad umano sila ng tamang buwis.

Pero noong Enero 31, 2017 ay pumayag ang BIR na ang bayaran na lamang ng DMPI ay P65 milyon— ang layo di ba? Ang DMPI naman ay nagbayad kinabukasan.

Ano naman ‘yun? Kung ang DMPI ay naniniwala na nagbayad sila ng tamang buwis, bakit agad silang magbabayad ng P65 milyon? Ganito ang nasa iisip ng maraming miron.

Nakuwestyon naman ang green lane o express lane ng BoC nang mabuking ang P6.4 bilyong halaga ng shabu sa isang warehouse sa Valenzuela City.

Dumaan ang shabu sa express lane, na ang ibig sabihin ay hindi ito ininspeksyon.
Ang green lane ay ibinibigay na prebelihiyo sa mga “matitinong” negosyante na nagbabayad ng tamang buwis.

Ang nasa isip ng mga miron, ilang container van kaya na mayroong nakatangong shabu ang dumaan sa green lane, kung saan hindi mabigat ang inspekyon?

Kaya siguro marami pa ring narerekober na shabu ng mga pulis kahit na wala namang nabubuking na shabu laboratory sa bansa.

Imported na ang shabu na ibinebenta sa mga adik sa Pilipinas. At ang masakit ay idinadaan pa ito ng legal sa ating mga pantalan.

Kung ang shabu ay lumusot, ‘yung iba pang bagay na hindi iligal kundi misdeclared lang. Tsaka magkano ba talaga ang halaga ng dapat bayaran ng isang importer? Meron daw pumasok na tatlong tonelada ng tela na ang P5,000 buwis lang ang binayaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dumami naman lalo ang interesado sa isyu nang lumutang ang isang litrato kung saan magkasama si Customs commissioner Nicanor Faeldon at ang may-ari ng warehouse sa Valenzuela City kung saan itinago ang nakumpiskang shabu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending